Chapter 11

5.8K 202 18
                                    

Chapter Eleven: The Deal

SHE WAITED FOR Richard to come in until she falls asleep. Naalimpungatan lamang siya nang maramdaman niya ang paglundo ng kama at ang pagsiksik ni Richard sa gilid niya. Richard’s arm automatically wrapped around her body like it was the most natural thing to do even though for her, it felt strange.

She knows he’s still awake so she didn’t hesitate to ask him the question that keeps bothering her. Hindi kasi niya masyadong maintindihan ang mga ginagawa ni Richard lalo na at hindi naman ito magsasalita talaga kung hindi tatanungin.

“What happened to me?” sa napapaos na tinig ay tanong niya. Kakaiba kasi talaga ang naging dulot sa kaniya ng  ginawa nito sa kaniya sa kusina. Kung hindi dumating sila Jordan, ano kaya ang nangyari sana?

Richard opened his eyes and stared at her for a long moment before he gave her an answer. “I had you checked.”

Napatango siya kahit hindi niya naintindihan ang sagot nitong iyon sa kaniya. “Kailangan mo pa ba talagang gawin sa akin iyon?” tukoy niya sa ginawa nila sa kusina nang magising na siya mula nang patulugin siya nito ng labag sa kalooban niya.

“I’m sorry. I shouldn’t have done that to you. I will never do that again.” Tuloy ni Richard sa ginawang pagpapatulog kay Nia.

Tila may patalim na tumarak sa dibdib niya sa sinabing iyon ni Richard. Napahawak siya sa dibdib na ngayo’y tila nasasaktan. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? At bakit tila nanghihinayang siya sa ideyang hindi na iyon mauulit?

Ang sabi sa kaniya ni Thea, ang halik sa pagitan ng lalaki at babae ay espesyal. Pero bakit humihingi ng tawad si Richard? Dahil ba hindi nito iyon ginusto? Bakit noong may inuwi itong babae sa bahay ay tila gustong-gusto nito ang paghalik sa babaeng iyon?

Nagyuko siya ng ulo at tumango, nanunubig ang mga mata.

“Ayos lang. Maaari mong gawin ang ano mang naisin mo.”

“Nia –”

“Pumapayag na rin ako sa gusto mo. I will carry your name as you please.” She faintly smiled at him. Iyon lang kasi ang kaya niyang ibigay. Isa pa ay wala naman siyang pakinabang sa kahit na ano o kahit na kanino kaya sasang-ayon na lamang siya sa kung ano ang gusto ni Richard.

“I will do whatever you want me to do without…” napalunok siya dahil pakiramdam niya, anumang sandali at papatak na ang mga luha sa mata niya. “…without complain.” Aniyang nakayuko pa rin at nakatingin lamang sa nanginginig niyang mga daliri.

Napahikbi siya and the next thing she know, nakapaloob na siya sa mga bisig ni Richard. His warmth brings her comfort, making her cry because she feels like it is okay to cry on Richard’s arms. Tila ayos lang ang lahat, na walang problema o anuman sa pagitan nila habang nasa bisig siya nito.

She cries like she never cries before and Richard was just silent the whole time as he combs her hair using his fingers, making her more comfortable.

Nang mapagod siyang umiyak ay iginiya siyang muli ni Richard pahiga sa kama at inayos. He tucked her to bed and kissed her forehead before he stood up to leave.

Ayaw niya.

Ayaw na niyang maging mag-isa. Sawa na siya na walang kasama. At kahit hindi niya lubusang naiintindihan kung ano ang balak ni Richard sa kaniya ay wala na siyang pakialam. She wanted to stay by his side and she wanted him to stay with her for as long as she could hold on to him.

“C-chad,” inabot niya ang isang daliri nito, sapat na para pigilan ito sa pag-alis.

“Hmmn?”

“Dito ka lang.” halos bulong na niyang saad at kinagat ang ibabang labi dahil sa pagkapahiya. Kaagad rin niyang binitawan ang daliri ni Richard at nagtalukbong ng kumot.

She heard him chuckled kaya sumilip siya at sa gulat niya at tinabihan siya nito sa paghiga at niyakap habang nakapaloob siya sa kumot.

“Ah! My Niana.” Ani Richard at lalo pa siyang niyakap ng mas mahigpit.

Napangiti siya. My Niana… kahit kailan ay wala pang nagparamdam sa kaniya na tila pag-aari siya nito. Alam niya na hindi dapat magpaangkin kanino man pero hindi niya mapigil ang galak sa dibdib niya sa narinig mula kay Richard.

SHE WOKE UP feeling light headed. Sa tingin niya ay masyado pang maaga. Akmang babangon siya nang maramdaman niya ang pagsiksik ng mukha ni Richard sa leeg niya. Hinawakan niya ang mukha nito at marahang hinaplos. Ramdam niya ang papatubong balbas na tila nakakakiliti sa palad niya.

“Chad…” marahan niyang tawag sa binatang mahimbing na natutulog. Humigpit pa ang braso nitong nakayakap sa beywang niya at lalo pang isiniksik ang sarili sa kaniya.

Richard isn’t wearing anything aside from his boxer. Hindi rin ito nakapaloob sa kumot kaya malaya niyang nakikita ang maganda nitong katawan. Maging ang tattoo sa likod nito na sinakop na ang kalahating bahagi ng likuran ng huli ay malaya ring nakikita ni Nia.

“Sleep, Nia.” He huskily whispered.

Kinilabutan siya hindi lamang sa tono ng boses nito kung hindi maging sa pagdampi ng mga labi nito sa tenga niya. Idagdag pa ang mainit nitong hininga.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagpasyang lingunin si Richard. Nakapikit ito pero alam niyang gising na ito. She cupped his face. Hindi niya maiwasan na hindi ito pagmasdan. Sa kanilang magkakaibigan ay ang mukha ni Richard ang pinakagusto niya dahil tila lagi lamang itong kalmante ngunit sa lahat, si Richard din ang pinaka-kinatatakutan niya.

Nakita na niya kung gaano ito kalupit. Tila ito walang puso ng basta na lamang nitong patayin si Mang Nestor – ang taong inutusan nito na mag-alaga sa kaniya. At alam niya, hindi iyon ang unang pagkakataon na ginawa nitong pumatay.

Muli, isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago pinisil ang mga pisngi ni Richard.

He groaned but didn’t wake up. Sa halip ay hinuli nito ang mga kamay niya at dinala sa mga labi nito para hagkan na nagdulot ng pag-iinit ng buong mukha niya.

“Let’s sleep more, Nia. Later, we’ll leave the country.”

Ngumuso siya. “Pero naiihi na ako.”

A chuckle came out from Richard. Dumilat ito ng bahagya at ngumiti sa kaniya and right there and then, her world stops spinning like all that matters is his smile at the moment. Kahit na mukhang pagod na pagod ito ay kay sarap pa rin na pagmasdan ang ngiti nito. Nababaliw na yata siya dahil tila ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon.

“Alright but you have to come back here. We need a lot of sleep, sweetheart.”

Isang tango ang ginawa niya at pinakawalan na siya nito. Mabilis siyang nagtungo sa banyo at mabilis rin na bumalik sa higaan. Tulad nang iwan niya si Richard ay nakadapa pa rin ito. Muli siyang napatitig sa tattoo nito sa likod. Tila nag-iba na iyon at mas tumingkad ang kulay. Tila iyon pakpak ng isang malaking ibon na unti-unting nalalagas at sa kabilang bahagi ng likod ni Richard ay tila ang pinanggalingan ng isa pa nitong pakpak.

“Nia.”

Napapitlag siya at mabilis na sumampa sa kama pero hindi siya nahiga. Naupo lamang siya sa tabi ni Richard.

“Saan nga tayo pupunta, Richard?” ang sabi kasi nito ay aalis sila ng bansa.

Without looking at her, Richard gave her an answer.

“Sa Sicily. We need to find the tracker on your body but before we leave, we’ll get married first.”

Wala siyang naintindihan masyado. Basta ang alam lang niya ay aalis sila ng bansa at may hahanapin sa katawan niya kaya ngumiti na lamang siya kay Richard kahit na hindi naman nito makikita iyon bago sumagot.

“Okay! Excited na ako.”

“It’s a deal, then. Now, sleep sweetheart.” He said then pulled her down to bed – rather, to his bare chest and funny how she felt contented being this near to the person who took everything from her.

TRA2: Insatiable Man [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon