Chapter 6

6.1K 216 6
                                    


Chapter Six: Bed Filler



"Hi, Richard!"


Mula sa kusina ay sumilip siya sa sala kung saan nakita niya si Thea kasama ang asawa nito na wala man lamang mabakas na kahit ano sa mukha.


"Queen!" ani Richard nang mag-angat ng tingin mula sa binabasang mga papeles.


"Stop that queen thing already, Richard. Wala ka ng obligasyon sa amin kaya please lang." ani Thea na tila may hinahanap. "I'll go straight to the point, Richard. I was actually here last night and based on what I saw, hindi maganda na narito si Nia so we're taking her from you." Gone was the sweet Thea that she knew when they first met.


Nakita rin niyang tila dumilim ang ekpresyon ni Richard bago tumayo para tuluyang harapin ang mag-asawang bagong dating.


"I'm afraid I can't let you do that. As you have said a while ago, I don't have any obligation on you so I don't need to act in accordance with what you wanted to happen. Nia will not leave my household." Richard said with finality.


Nang marinig ang pangalan ay lumabas siya ng kusina para lumapit sa mga ito. Isang makahulugang tingin ang ibinigay sa kaniya ni Thea na hindi niya alam kung para saan.


"Go upstairs, Nia." Malamig na turan ni Richard sa kaniya.


Ngumiti muna siya sa mag-asawa bago nagpaalam sa mga ito at sumunod kay Richard.


Ilang minuto ang lumipas at pumasok si Richard sa kwarto'ng inookupa niya mula pa kagabi. Base sa itsura nito, alam niyang konting pagkakamali lamang niya ay magagalit ito sa kaniya kaya ipinasya niyang manahimik na lamang.


"I should have killed you long time ago, Nia!" His eyes are burning with so much hatred as he said those words to her. Namumula rin ang mukha hanggang sa leeg nito dahil sa galit.


Tiningala niya ito. No matter what she do or say, Richard wouldn't believe her. "If you did that, you'll hate yourself more for the rest of your life." Humakbang pa siya palapit sa binata at binalewala ang madilim nitong mukha. He looks like he was ready to end her life any minute now. "Hindi naman kasi nila ako kapamilya. I am not the real Nia because Nia died even before she saw the real world, Chad."


Hiniklat nito ang braso niya at halos ibalibag na siya sa kama.


"Don't you fucking mess with my mind, Nia!"


"Or else what? You'll kill me? Then do it! I don't care anymore! I have no one in this world except you, Chad!"sigaw niya rito. Bakit ba kasi ang malas niya?


What she said was true. Hindi siya ang nagmamay-ari ng katauhan na mayroon siya ngayon. Sa pagkakatanda niya ay mas matanda siya ng halos isang taon kay Nia. She's one of the maid's daughter at dahil namatay ang tunay na Nia ay siya ang ipinalit ng mga Ariston sa pagkawala ng kanilang anak.

TRA2: Insatiable Man [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon