Chapter 9 - Sorry Na

309 18 0
                                    

AKESHA REIN’S POV:

Ok. Wala talaga akong kaide-ideya kung bakit ba sila ganun? Bahala nga sila.

Hanggang ngayon hindi parin ako makaget over sa mga nangyari. Parang ang tagal na nilang magkakilala kung magkatitigan. Buwisit! Di naman sila mukhang mga bakla para magtitigan ng ganun. O baka naman na love at first sight? Ay ewan! Bakit ko ba sila iniisip eh ano namang pake ko di ba?

Nako bawal ma bad vibe. Hahayaan ko nlang siguro sila.

*fast forward*

**tok-tok**
**tok-tok**

“Rein! Anong oras na! Mamaya wala ka ng itutulog! Kumain na na.” sigaw ni mama

Jusko. Sa sobrang pagod ko, nakalimutan kong mag alarm at naka tulog na pala ako pag-uwi. Ang dami rin kasing nangyari kanina.

“Eto na po Ma! Babangon na po!” sagot ko. Kaya tumayo na ako mula sa pagkakahiga at bumaba na. Mamaya bumalik nanaman si mama, yari nanaman ako dun.

Pagbaba ko hinanap ko agad cellphone ko.

“Rein, yang cellphone mo, kanina pa tunog ng tunog. Napaka ingay!” inabot sakin ni Mama yung cellphone ko. Pag tingin ko..

150 texts
50 misscalls.

Ang malupit? Puro kay Beejhay ang karamihan.

FR: Unggoy - Beejhay
+63920*******
-Rein, I’m very sorry sa inasal ko kanina. I hope you forgive me. Please. Accept my sincere apology :’(

FR: Unggoy – Beejhay
+63920*******
-Rein, I’m waiting for your reply. Please..

FR: Unggoy – Beejhay
+63920*******
-I’m calling..

FR: Unggoy – Beejhay
+63920*******
-Akesha Rein Torres :’(

At marami pang flood messages galing sa kanya.  Pero ang pinaka natatawa ako na text is yung kay Drea..

FR: 4.A – Bes Andrea Jade Villanueva
+63995*******
-Uy Sha-Sha!!!! Anong nangyari? Bakit nagmumukmok si Brent sa kwarto? Abababa? Ayusin nyo yan! Yung kwarto ko ang napagdiskitahan. Puro pangalan mo sinisigaw.. Langya! May gusto ba sayo to? Umamin ka nga! Jusko ahh!!

Oh dba? Award!!  Isa pa tong kakambal ni Drea ehh.

FR: 4-A. Kulugong Andrew James Villanueva
+63997********
-Anong ginawa mo sa pinsan ko? Kinulam mo noh? Ikaw talaga!

FR: 4.A – Miguel Anthony Conception
+63928*******
-hmmm.. Akesha, kausapin mo na si Brent. Di ka ba naaawa sa kanya? Please..

At madami pang text at misscalls.. Natatawa ako imbis mainis kay Beejhay, imagine ha, nangungulit pa mga kaklase namin para lang mapatawad ko lang sya? Ang lupit nya mangFlood. Sabog inbox ko sakanila. Teka. Baka maapakan mo buhok ahh. Ang haba ehh..

*Kinabukasan*

Pagpasok ko lalang sa gateng Academy, parang may napansin akong kakaiba? Ewan? Parang may something sa gitna ng Campus.

Parang ang daming tao? May event ba? Teka ang aga pa ahh! Bakit di ko to alam?

Pag punta ko sa gitna may biglang tumugtog na malakas na gitara, Drums, at nasa Stage? Teka??? MAY BANDA??

*PLEASE CLICK THE MULTIMEDIA*

"Sorry na kung nagalit ka
Di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako
Init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago
Pangako sa iyo"

The Real Elite Princess (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon