CHAPTER 6

3 0 0
                                    

Ano bayan bat di parin bumabalik si Darwin. ? Natapos nako at lahat, pero wala parin siya. Hanapi ko nalang. Tumayo na ako at maglilibot nalang sa mall. Baka maita ko si Darwin.

"Thank you Maam, Come Again"  iba yata yung ngiting nang gwapong nilalang nato, nginitian ko nalang siya at wow, I like the service here ha, balik ulit ako dito pag may time.

Asan naba ang lalaking yun at napagod nalang ako sa paglilibot pero ni anino ni Darwin hindi ko na nakita. Hay nako mukhang iniwan na ako nang mylubs ko. Maka uwi na ngalang din.

"Im Home..!!"  bigla akong sumigaw pagdating nang pagdating ko sa bahay.

"Girl, grabe ang tagal mo umuwi ha. Akala ko nagtanan na kayo"

"nag enjoy lang masyado ^_^" di ko na sinabi ang pang-iiwan ni Darwin sakin, baka kasi magwild nanaman tong babaeng to at mapahamak pa si Darwin. Kasi pagnagalit yang babawng yan, parang tigre kung magwala, or grabe pa don. So pinili ko ang peaceful world at nilihim ko nalang.

"Pahinga nako KC " nasa gitna na ako nang hagdan ng nagsalita si KC.

"Kane, syangapala nagpabook na ako nang isa sa mga hotel sa boracay, next week alis natin. Ok na bayun, at wag kang aangal dahil wala ka nang magagawa pa roon." nakapameywang pa ang babae.

"Ok maam..!!!"  at nagpose ako na parang kasali sa America's Next Top model.

"imbitahan ko kaya si Darwin?" tanong ko kay KC. Bigla naman niya akong hinagisan nang tsinelas.

"Aray..!!!" na hit niya ang ulo ko ha.

"Gumising ka nga, bigyan mo nang time ang sarili mo. Wag kang dumipende sa lalaking yon."

"Suggestion lang naman" at tumakbo na ako sa kwarto ko.

"Well, hindi magandang suggestion yun babae…!!"

Pumunta kami ni KC sa mall para mamili nang Bikini, wew… excited na oka. Pero mas masaya kung kasama ko si Papa Darwin. Daydream.

Nilibot namin ang buong mall pati storage naghanap kami nang damit.. Hahahaha. Grabe na te.? Hanggang sa may nakita kaming boutique. Cute din, puro pambabae ang items. Colorful.

"Dito tayo girl, mukhang bagay to sa katawan nating maganda. hahaahha, katawan ko lang pala" nagustohan naming dalawa ang  2 piece  bikini, pero hindi naman talaga ako nagsusuot nito kaya lang pinilit ako nang babaeng to. ok narin, para naman di masayang ang curves ko, slim kaya ako no.

Natapos na naming libutin ang mall nang napansin naming gutom na kami. Kumain kami sa isang restaurant nang makita ko si Darwin sa kabilang restaurant. Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kanya. Nag-iisa lang siya pero parang may hihintay siya.

"Hi Darwin ^_^"  masigla kong bati. Tinitigan niya lang ako. Naramdaman kong may nakatayo sa likod ko.

"Darwin, who's that.?"

"Just a random girl. Excuse me miss pero hindi kita kilala"  ouch Darwin..  Pina upo niya na ang babae, ang ganda niya, makinis ang balat, maputi, matangos ang ilong , mabilog ang mata pero masyado yatang makapal ang make-up. Sino kaya to.?

"Ay Sorry sir, akala ko po kasi kayo yong kilala kong Darwin, my mistake. Excuse me po " nakita kong nanlaki ang mata ni Darwin pero napawi rin yun nang mabilis.

Umalis ako bigla at bumalik kay KC

"San ka galing ?"  pagtataka niya.

"Sa C.R lang girl. Puputok na kasi tong matres ko. Naka order kana.?" nag smile ako nang mapakla. Naalala ko tuloy yung nangyari. Hindi naman ako galit, cguro may dahilan siya, cguro importante yong kasama niya. Kalimutan ko nalang yun

.

"OO, kainan na..!!" mabuti naman at hindi na nagtanong si KC, pero alam kong alam niya ang nangyari, nakatingin kaya siya kanina sa akin. Napaka Understaning talaga nang babaeng to. Kaya love na love ko to eh, pa kiss nga.. Hahahaha… ok, gutom na ako.

Nakarating na kami sa bahay at pagod na pagod kaming dalawa. Agad kaming pumunta sa sari-sariling kwarto.

"GOODNIGHT/GOODNIGHT" sabay naming sabi.

Habang nakahiga ako eh, may naramdaman akong dumaloy sa cheeks ko "Ano bato, may butas ba ang bubong?  Di naman umuulan ha" pinahid ko nalang yon at tumawa nang konti kahit pilit. Makatulog na ngalang.

is it TOO LATE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon