"Hi Darwin :D" hinahabol ko ang mabilis niyang paglakad.
Gwrabe, ang tangkad niya talaga, ang ganda nang paglipad ng buhok niya. Ang magandang kulay nang balat niya na moreno. Mga pilik matang mahaba at kulot ng konti. Ang napakatangos niyang ilong. Kissable lips. Wew..!! Gising Kate, andito ka para lambingin si Darwin at hindi pagpantasyahan.
" Bakit?" sagot niya na hindi man lang ako tinitingnan.
"May kailangan ka pa.? Kahit ano gagawin ko."
Alam niyo bang mahigit buwan narin akong nag aasist-asisttant kay Darwin. Wala lang gusto ko lang mapalapit lalo sa kanaya. At witness ako sa lahat nanag nangyayari sa buhay niya sa school. May mga babae din palang umaaligid sa kanya. At kapag di niya ito pinapansin eh dinidilian ko sila at inaasar na kasama ko si Darwin. Todo effort ako pero parang wala lang c Darwin. Ok lang yun at least ginagawa ko ang lahat nato para sa kanya.
" wala, umalis kana at wag kang buntot ng buntot sa akin."
"Pero…" mahina kong sagot
"Sabi nang alis.!!" badtrip siguro to. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko at feeling ko nababaon yun kasi ang hapdi.
"Huwag ka nang aaligid sa akin dahil nakakairita ka. Hindi kaba nahihiya sa pinagagawa mo? Kababae mong tao ganyan ka naghahabol ng lalake."
"Sorry Darwin" yumuko nalang ako
"Walang kwenta ang sorry mo, pagnalaman kong hindi mo parin ako titigilan malilintikan ka sakin." tinulak niya ako nang malakas na halos matumba ako sa kinatatayuan ko, at na una na siya umalis pa
"pasensya na "
Umuwi akong sawi, pero hindi parin nawawala ang determinasyon ko.
Magkasama kami nang balay ni KC, naka appartment kami para naman maging independent RAW kami sabi nang mga magulang namin. (echooss.. Para namang lalo kaming nawalan nang maturitykasi lalo kaming naging isip bata) Best friend na, kasama pa sa bahay, classmate pa.. O diba complete package :D kami nalang kaya ang magpakasal. JOKE
Umuwi ako na parang walang nangyari.
"Goodevening there my fellow student" pasigaw kong sabi, at nagpose sa maypintu-an.
"Hoi babae bakit ngayon kalang?" Para naman tong nanay kung magtanong, nakakatakot.
"Sa skwelahan lang po, naghahanap nang matinong gagawin"
"Bumubuntot kana naman sa lalaking yun.?"
"Natural, OO"
"wala kang mararating jan Kane, sira kinabukasan mo sa pinaggagawa mo."
"Akong bahala at magkakaroon ako nang bright future kasama c Darwin.. Aweee.!! "
"Bahala ka nga, Kain kana jan"
"Nagluto ka.? Wow ha, ang bango nang caldereta mo ah." inaamoy amoy ko yung nasa wok.
"ay hindi, hindi ako nagluto, malamang ako ang magluluto sino paba meron ba tayong secret maid dito.? Tsaka natural masarap yan ako nagluto eh." binatukan niya ako at umakyat na papuntang kwarto niya.
"Hugasan mo pinagkainana mo ha.." at sinarado na talaga ang pinto. Bruhita, iniwan talaga ako dito.?
Pagkatapos kong kumain eh syempre naghugas ao nang plato, sa lahat nang ayaw ko eh yung madumi na paligid. Tsaka ako umakyat at nagbihis. Kinuha ko laptop ko at nag facebook nalang tutal wala akong ass.
Agad kong hinanap ang pangan ni Darwin kung sakasakaling Online siya. At, bravooo…
online siya. Agad ko siyang ini-message.
ME:
Sorry kanina ha.. (^_^)#
SIYA:
..................
ME:
Pero pagsislbihan parin kita. Ok
SIYA:
You'll regret it.
At nag offline na siya
At least nagreply siya.. Aweeee… makatulog na nga..
Goodnight Darwin, tomorrow is another day
BINABASA MO ANG
is it TOO LATE?
RomanceAm i obsess or i just need love.? Kane: desperada, tanga, tawagin niyo na siya sa kahit anong pangalan dahil wala siyang paki-alam basta mahal niya si Darwin Lopez. Darwin: Manhid, rude. and he never like Kane. kailangan pabang magunaw ang mundo par...