Ano ba yan ang malas malas, di raw kami matutuloy sa Boracay, kesyo pina-papunta raw si KC nang mommy niya sa states para dalawin ang Daddy niyang na stroke. Eh pano ako.? Mag-isa nalang.? Forever alone.? Tambay nalang ako dito.
Bumaba na si KC dala-dala ang maleta niya, tinulungan ko niyang ibaba ang kanyang mga bagahe.
"Girl, alis na ako, ikaw nang bahala sa bahay ha, mag-iingat ka baka masulot ka ni Darwin, huwag kang mag-uuwi nang lalaki dito." mangiyak-ngiyak niyang sabi. May tissue pang dala na pinahid pahid sa magkabilang gilid ng mata niya.
" OA na girl.? Di kana bbabalik dito.? Grabe ka kung magpa-alam ha. Katapusan na nang mundo te.?" biro kong sabi sa kanya, hinahampas ko pa ang likod niya.
"Napapa-alala lang Kane, basta ha mag-iingat ka ha habang wala ako" nag hug kami.
"Ikaw rin ha, mag-iingat ka doon, tsaka pa ki sabi kina Tita at Tito na nangangamusta ako"
Hinatid ko na siya sa gate at pinasakay naang taxi.
"Bye girl…!!" ang huli niya lang sinabi. Nag wave nalang kami sa isat-isa.
Pumasok ako nang bahay at napangiti, ang kulit talaga nang nunal na yon.
"Hayyy.. Ano bang gagawin ko ?" tinanong ko talaga sarili ko, ok, hanap rin kaya ako nang sagot. Manonooad nalang ako ng movie, mag mo-movie marathon akong mag-isa.. Grabeee.! Ang saya nito, sobra.!
Namili nalang ako nang movies at nagluto nang pulutan, pulutan bang tawag roon eh wala naman akong inumin. Duhh…!! Ang tanga kong magdescribe.
Nakapanood na ako ng 3 movies, at grabe ang sakit na nang mga mata ko. Ano na naman ba ang gagawin ko.? Alas tres pa nang hapon. Hahayy..!! Nakakamis ang agad ang nunal na yun.
Nakatitig lang ako sa kisame nang na isip ko ang mag M_A_L_L..!! Grabe matagal ko ring inisip yun ha, ngayun ko lang napagtantong gawin yun, girl thing mamen.
Nag bihis agad ako nang whole dress na vintage yung kulay (di halatang mahilig sa whole dress.?) tsaka flat shoes . At nag lipgloss ako kahit papano.
Nagco-commute ako dahil wala akong sasakyan, natural kung may sasakyan ako edi I dadrive ko yun kahit saan, kaso ayaw ni mommy, at ewan ko kung bakit.
Nilibot ko nang ang buong mall, pumasok sa ibat ibang stalls, nanood nang sine, pumunta ng arcade at nawalan na ako nang gagawin. Napagdisisyonana ko nang umuwi total 9 pm na eh. Naglakad ako sa may kanto para maghanap nang taxi.
"Ano bayan, parang madaling araw na, wala masyadong tao" biglang may narinig ako. Kinilabutan talaga ako, as in nalagas lahat nang balahibo ko. Ano yun.?..!! OMG, ayaw kong ma rape dito, gusto ko sa hotel. (charroooott..!! Namili pa talaga nang venue.)
Biglang may humawak nang balikat ko at… "waahhhh…!!!!" kumaripas ako nang takbo pero napansin kong hindi sumusunod ang rapist, grabe hindi ba niya ako nagustuhan? Ang choosy. Pero nakita kong nakahilata ang lalaki sa sahig, teka ma adjust nga tong eyeglass ko para naman makita ko nang malinaw-linaw ( FYI mga readers, sira ang mata ni Kane, hindi siya bulag ha.! Ano lang, hindi malinaw yung paningin niya ^_^)
Nilapitan ko ang mama, pero nagulat ako nang bigla itong tumayo at lumapit sa akin, pero mas nagulat ako na halos lumuwa ang mata ko Si DARWIN..!!?? Grwabe, I love you Destiny..!!
"Darwin, anong nangyari sayo.?" tinanong ko pa talaga eh halatang wasted na tong palalabs ko. Oo nga pala, may bar doon sa unahan. Inalalayan ko nalang siya at nataranta ako kung saan ko siya dadalhin. Sa bahay.? OMG.!! D pwede magagalit si KC pag nalaman niya yun.
"Saan ba ang bahay mo Darwin?" syempre kahit obsess ako sa kanya eh may alam din ako sa privacy, hinid ko siya sinusundan sa bahay niya ano.
"hhmmm.. Asadsfdgfh" ano raw.?
Wala na akong magagawa pa, dadalhin ko nalang to sa bahay. Sakto at may isang taxing bakante. Takte ang bigat niya, pero io in fairness nakapulupot siya sa akin. Aweee.. Kilig much. Kalandian level 50 .
"Kuya diyan lang po sa blue na gate." nagbayad ako at dahan dahang ibinaba si Darwin
"Tulungan na kita jiha" wow manong matulongin.
"assfdgfkf..hhmmmmm.." ano batong pinagsasabi ni Darwin?
"Thank you manong"
"Bat ba naglasing boyfriend mo jiha.? Nag away ba kayo.?" Wow sa sobrang matulungin niyo manong pati pagtatanong kinarer niya na. pero napangiti ako nang sabihin ni kuya na boyfriend ko raw si Darwin, ang sarap sa taenga.
"Wala po manong, sige salamat po ha."
Pumasok na kami nang bahay at ihiniga ko siya sa couch, di ko carry ang buhatin siya sa kwarto oi, at tsaka mabuti natong safe rin ang pagkababae ko. Charrooott, pwede ko rin namang i-alay ang sarili ko pero Hell no..!! , gusto ko kasal na kami kapag dumating ang araw nayun.
Pinunasan ko nalang si Darwin at hinubad aang kanyang sapatos at medyas.
"Darwin ang gwapo mo talaga grwabe." hinimas himas ko ang mukha niya nang bigla siya bumangon at hinawakan ang kamay ko, naglakbay ang kamay niya papunta sa balikat ko hanggang sa dumating sa batok at ang pagkakatitig niya sa akin ay kakaiba, pero Lupa lamunin mo na ako, ay huwag na pala continue na to. Hahahahah
Tinitigan ko rin siya dahil hindi ako makapalag, lumapit ang mukha niya sa leeg ko at hinalikan iyon nang marahan. Nakiliti ako dun.
"Faith.. Hmmm" sino yun.? Kane pangalan ko ha. Pero magkatunog naman sa pangalan ko pero ouch ha iba yung sinasambit na pangalan.
"Umangat ang ulo niya papunta sa mukha ko, starring at his lips keeps me wanting to kiss him, and I smiled dahil unti unting lumalapit ang mukha niya sa akin na halos maamoy ko na ang hininga nyang amoy alak. Peroo…!!
"Yuuucckkk…!!!" napalayo ako dahal grabe, sinukaan ako ng mokong , pasalamat ka mahal kita.
"Ano bayan nabitin ako run" pagdadabog ko habang pinupunasan ang leeg ko.
"ashdfdds fsf Faith…"
Sino bayang si Faith nayan.?
BINABASA MO ANG
is it TOO LATE?
RomanceAm i obsess or i just need love.? Kane: desperada, tanga, tawagin niyo na siya sa kahit anong pangalan dahil wala siyang paki-alam basta mahal niya si Darwin Lopez. Darwin: Manhid, rude. and he never like Kane. kailangan pabang magunaw ang mundo par...