CMA56: JOURNEY
WARNING: long chapter kaya sana mo ay pagpasesyahan ninyo.
Malapit na ang ending guys! Please bear with me! Please visit my profile then click the follow button or you can read my other story na kasalukuyang may 300+ reads.
Love you guys and have a wonderful long sembreak! Sulitin na natin itong pagkakataong walang pasok!
_________ _______________ ___________
Pawang hinahati ang hanging dinadaanan ang dalawang shuriken na hinagis ni Kenth sa ere papunta kay Ertis.
Agad namang nakaiwas sa atake ang prinsesa pinalag niya ito sa pamamagitan ng pagsummon ng Eartn shield. Bahagyang umuga ang lupa dahil sa trick na iyon ng dalaga.
Kasalukuyang nagalalaban ang dalawa upang warm up sa kanilang mahabang paglalakbay. Bilin kasi ng HeadMaster Harold ay paghandaan ang misyon lalo na't nakikipagunahan sila sa mga bagong kalaban sa pagkuha ng Tier stone.
Walang lugar ang pagkakamali sa misyong ito hangga't maaari ay perpekto ang bawat kilos nila dapat manatili silang seryoso sa lahat ng pagkakataon o maging observant dahil mautak ang mga dark crexel users na nasa ilalim ng manipulasyon ni Lexcus.
Nakakabahala ang pananahimik nito sa mga nagdaang mga araw kaya napagdesisyunan na nilang umpisahan na ang misyon ng ala-una.
Pagkakataon na ni Ertis upang umatake, pinalibutan niya ang mga kamao ng tuyong lupa na kung saan kasing tigas ito ng bato wala anu-ano'y inatake niya si Kenth.
Sinubukan niyang suntukin ang pisngi nito ngunit agad namang naiwasan ni Kenth ang atake tatangkailang sisikmuraan na sana niya ang prinsesa ngunit agad itong lumayo sa kanya kaya hindi niya ito natamaan o nadaplisan man lang.
Itinaas ni Ertis ang dalawang kamay sa ere unti-unti lumalaki ang kulay brown na ilaw sa pagitan ng kanyang mga kamay nang sapat na ang laki nito agad niyang ipinag-atake ito kay Kenth.
Ngunit agad din naman ito muling naiwasan ng prinsipe dahil bigla na lamang ito naglaho ng parang bula.
Ngayon lang napansin ni Ertis ang malaking bilog na ilaw sa gitna ng battle platform. Dahil roon nagagamit ni Kenth ang buong potensyal sa pakikipaglaban.
Inobserbahan niya ang paligid sa kanyang palagay ay nag-iinvisible ito upang hindi niya makita ngunit kung magiging mapagmatsyag siya sa kanyang paligid sigurado siyang malalaman niya ang kinaroroonan ng binata sa lalong madaling panahon.
She kick the small rock na malapit sa kanyang pwesto. Nawasak ito sa direksyon na kung saan ito tumama--napangisi siya wala siyang sinayang na oras pinaulanan ng earth needles ang direksyon.
Sa bandang huli, nadikit ang buong katawan ni Kenth sa pader habang nakaturok ang ibang earth needle sa mga laylayan ng kanyang damit napangiwi siya sa biglang pagtalsik tsaka sumimangot ng tuluyang lumihistro sa kanyang utak na natalo siya ng isang babae, ang prinsesa ng Earth Kingdom.
PARANG HIRAP NA HIRAP na bitbit ni Airy ang dalang backpack na punong-puno ng kung ano-anong gamit na naisip niyang magagamit niya sa kanilang mahabang paglalakbay. Kakagaling lang niya sa pag-eensayo hindi niya piniling makipag-duel sa mga kasamahan sa halip ay gumamit siya ng dummie.
Mas naeenjoy kasi niya kasi ang ganong klase ng pag-eensayo at pawang mas lumalakas siya.
Nilalagay kasi niya minsan ang pangalan ng taong kinamumuhian niya sa dummie tsaka iimagine na yung dummie ang taong kinamumuhian niya.