CMA65: ONCE UPON A TIME
THIRD PERSON'S POV
-----
ERTIS was shock to see the book that she has been looking. Akala niya ay nasunog na ito ng mga katulong, hindi na kasi makilala ang libro sa dami pa namang nakabalot ritong alikabok; at isa pa hindi na buo-buo ang mga salita ng libro pagkabuklat pa niya may mga pahinang kinain na ng uod.
Isinarado niya ito agad nang makita ang itsura ng libro.
Napabuntong hininga siya, kinuha niya ang bimpo sa bulsa ng uniporme niya at marahang idinampi sa libro.
Tandang-tanda pa niya nung bata pa siya, sa tuwing hindi siya makatulog ay binabasahan siya ng kwento ng kanyang ina. At sa librong ngayo'y hawak niya nanggaling ang mga kwento ng ina.
Kumunot ang noo niya sa biglang naalala, hindi ba't ito ang librong pinaka-iingatan ng kanyang ina? Kung sa gayon, bakit nito pinabayaan na lamang basta-basta. Kilala niya ang kanyang ina, hindi nito pababayaan ang mahahalaga rito kahit may-kaakibat na masamang ala-ala pa ito.
Iniling na lang niya ang ulo, tsaka na niya ito aalahanin. Ang kailangan niyang intindihin ang kinalaman ni Lisse.
Malakas ang kutob niyang may masamang balak ito.
Muli ay binuklat niya ito tsaka niya dahan-dahang sinuyod ang bawat pahina.
Naikagat niya ang labi, sa lapad ba naman ng aklat ay aabutin siya ng siyam-siyam. Anumang oras ay alam niyang may pupuntang kawal rito at e-ekspensyunin ang paligid kung may nawawala ba.
She whispered slowly as she casted a spell, mula sa sementong sahig ay pumuslit ang isang mumunting rosas na kulay ube, binuka nito ang bulaklak nito. Doon ni Ertis pinagsiksikan ang libro, nang mailagay na niya ay agad na naglaho ang bulaklak.
Na-alarma siya ng marinig ang sunod-sunod na paglapat ng sapatos ng kawal sa sahig. Mukhang nagmamartsa ito papunta sa direksyon niya.
Agad niyang inisip ang spell na maaaring niyang gamitin, nang mahagip ng mga mata niya ang maliit na halaman sa gilid biglang may sumulpot na ideya sa kanyang isip.
Using her mind she casted a spell.
Nag-litawan ang mga dambuhalang petals ng isang uri ng bulaklak na kulay pula na kung saan ay agad siyang nilamon.
From the outside, unti-unting naglaho ang petals ngunit ang totoo niyan ay nag-invisible lang ito.
"Hay, ano ba 'yan! Natalo na naman ako sa pustahan may dalawa pa akong gagawin mamaya tapos ito pa! Sa susunod hindi na ako makikipag-pustahan pa, " reklamo ng kawal.
Hindi mapigilan ni Ertis na umirap.
Maya-maya pa, umalis na ang kawal hindi maiwasan ni Ertis na mapabuntong hininga.
Konti na lang ay mawawalan na ng bisa ang spell niya malaking pasasalamat niyang agad namang umalis ang kawal na iyon kung hindi ay baka nabuking na siya.
Agad siyang kumilos at nilisan na ang kwarto.
Pagkadating niya sa kanyang kwarto agad na pumuslit muli ang bulaklak na kulay ube sa sahig ng kanyang kwarto.
Iniluwa nito ang libro kanina.
Pasalampak siyang umupo sa queen-sized bed niya.
"Lisse Vlarkon... that name sounds familiar. As if, I have been hearing that name since I was young. " kinuha ni Ertis ang libro mula sa bulaklak, mahigpit ang pagkakahawak niya rito.
Makikita sa kanyang mga mata ang halo-halong emosyon. Pangamba, kuryosidad, pagkalito, at... pagkagalak.
Sinimulan na niyang hanapin ang pangalang kanina pa bumabagabag sa kanyang sistema. Sa kanyang pagbabasa, maraming ala-ala ang nanumbalik. Mga masasaya at malulungkot na mga pangyayari sa kabataan.
--------
ELINE’S POV
Sigh.
ISANG panibagong araw na wala si Raine. Lagi na lang ako nag-iisa at ang tanging makakalaro ko lang ay si Waetra. Ayos lang sana... kaso pagkain lang naman ang mahalaga sa alaga kong 'yon.
"I-mik!" (Feed me!) ani ng waetra.
Mataman ko siyang tinignan. "Hindi pwede, kakakain mo lang." binawi ko na ang aking tingin rito.
Minsan nagtataka na ako. Lagi na lang wala si Raine, saan ba siya nagpupunta? Ako master niya pero di ko man lang alam kung ano ba ang pinaggagawa ng familiar ko.
Minsan napapaisip na lang ako. Paano ba kami nagkakilala? Paano ko siya naging familiar? at higit sa lahat, bakit sumasakit ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya?
Ano bang nangyari sa nakaraan ko? Namin?
----
Short update for now.