CMA60: CAFE
THIRD PERSON'S POV
_____________
“SAAN ba tayo pupunta Raine? ” tanong ni Eline habang kinukusot ang kanyang mga mata. Kakagising palang niya nang buhatin siya ni Raine, isang ngiti lamang ang tinugon ng binata sa kanya.
Dahil pa-bride style ang buhat ni Raine sa kanya sinapo niya ang magkabilang pisngi ni Raine habang nakangiti. Biglang namula ang mukha ng binata na napa-iwas ng tingin sa kanyang master. “Ba’t 'di mo ako sinasagot? Galit ka ba sa’kin? Itatakwil mo na ba ako bilang master mo? Ano? ”
Nag-aalala na ang munting si Eline, dulot ng kanyang musmos na gulang. Hindi niya pa matanto na ang lalaki ay naiilang sa kanyang ginawang pag-hawak sa magkabilang pisngi nito. “P-pupunta tayo sa Cafferin Cafe. ”nauutal nitong sabi.
Napatango na lang si Eline at binawi na ang mga kamay.
Kasalukuyan nilang binabagtas ang masukal na daan na ayon sa mga kwento ni Raine sa kanya ay papunta sa mundo ng mga tao.
“I-mik! I-mik! ”
Isang kaluskos ang narinig sa 'di kalayuang damuhan. Gawa ito ng isang waetra. Isang water animal na kayang huminga sa tubig at lupa, parang dragon ang itsura nito at may makapal na shield na nakapalibot sa katawan upang maprotektahan ang sarili sa mga masasamang loob.
Sugatan ito dahil sa isang shaita, isang fire animal na kumakain ng waetra. Isa itong fox-like animal ang kaibahan nga lang ay may dalawa itong buntot na nagliliyab ng asul na apoy, puting balahibo at walang tainga. Tanging mga pulang mga mata nito ang ginagamit upang humanap ng makakakain.
Sa kabutihang palad, nakaligtas ang munting waetra rito kung hindi ay kanina pa sana ito nilalasap ng shaita.
Nahagip ng mga mata ni Eline ang munting waetra na konti na lang ay mawawalan na ng hininga dahil sa mga dugong nawala rito. May malubha itong kagat sa likod, nagsimulang maglabo ang mata ng waetra.
Itinuro ni Eline ang hayop dahilan upang napalingon rin si Raine rito, kumawala sa pagkakabuhat si Eline at nilapitan ang kawawang waetra.
“Im Po Tra Kimi Li?, ” (who did this to you?) wika ni Eline sa Waetra. “I-mik.. I-mik.. ” (Help me, help me..) tugon naman nito sa kanya.
“Poor Waetra, ”bulong ni Eline sa sarili. Binuhat niya ang Waetra na kasalukuyang naliligo sa sariling dugo, nabahiran ng mainit at malagkit na dugo at dalawang kamay ng bata ngunit pawang hindi ito nakakagambala sa kanya.
Sumilay ang isang matamlay na ngiti sa mukha ng bata, “I Mna Ila Co, ” lumitaw ang isang magic circle na kulay asul sa ilalim ng dalawa. Bunsod ng hangin hindi makalapit si Raine kay Eline upang pigilan ito. Nakatayo lamang siya sa 'di kalayuan upang pinagmamasdan ang kabutihan ng master niya.
Samantala, unti-unting naghihilom ang sugat ng waetra.
Bumalik na ang malinawa nitong paningin, ang dugong kanina'y nagkalat ay nawala nang parang bula.
“In Daioe Iz Imna” muling saad ni Eline sa Waetra. "I-MIK! " isang masiglang tunog ang tinugon nito sa kanya. Ang kanyang matamlay na ngiti'y napalitan ng masiglang kurba ng labi.
“Kung gayon ako ay masaya para sa'yo, sa susunod mag-iingat ka munting Waetra sa oras na ikaw ay mamatay hindi ka na makakabalik pa dahil hindi tayo ίδια,” naguguluhang napabaling sa kanya ang Waetra. Isang pang-dayuhang salita ang ginamit nito.
"Eline, we should ge going. Malapit nang magsarado ang portal ” sigaw sa kanya ni Raine. For the first and last time she patted the Waetra’s head that brought pleasure to it. It purred like a cat, Eline giggled and said her goodbyes and reminders to the little creature using her ability.
“I TOLD YOU don't run suddenly! Paano na lang kung hindi kita nasundan edi nawala ka? Tsk. ” pangaral ni Raine kay Eline habang binibigay ng waitress ang order nila.
“ Raine naman eh! Edi mamamatay sana 'yung Waetra, kawawa naman tsaka.. Ang kyut mo kaya! Wag ka na magalit sige ka pagsasawaan ka na ng babaeng sinabi mong mahal mo, pwehh! ” paki-usap ni Eline.
Raine was taken aback, nawalan ang galit sa mukha nito at napalitan ng namumulang mga pisngi. “T-tsk, hindi na niya pagsasawaan ngayong ako na lang ang para sa kanya at wala nang iba. Sisiguraduhin ko 'yon”
“Luh~ you sound like a possessive boyfriend😒, may I remind you. You are just her/ his suitor ” biglang nablangko ang mukha ni Raine. “bakit may his pa? ” reklamo nito.
Sumilay ang isang makahulugang ngiti sa mukha ng bata. “You gay flirt. ” bansag ni Eline sa kanya na nakapag-pakulo ng ulo ni Raine.
“WHAT DID YOU JUST SAID? ” nagpupunos na hasik ni Raine at mas lumapit sa sa pwesto ni Eline. Ngumiti ang bata habang pinapagpagan ang bistida. "Nothing, Mr. Gay Flirt. ” she teases.
"Hindi ako bakla as in, N-E-V-E-R. ” Pagtatanggol sa sarili ni Raine. "Di mo ako maloloko, Avrolou is gay-- who is Avrolou? ” natigil si Eline sa pagsasalita ng biglang bigkasin niya ang isang 'di pamilyar na pangalan.
“Who is.. Avrolou? ” ani niya uli sa sarili bago mawalan ng malay.
----------
NEXT CHAPTER!