CMA50: KILL THE PRINCESS
—————
NAPASINGHAP ANG LAHAT nagsitakbo naman ang iba upang makalayo sa pagsabog.
Umalingawngaw ang mga tili ng mga babae sa buong bulwagan kanya-kanya sa pagpwesto sa mga gilid ang iba habang hinihintay na humupa ang usok na bunga ng pagsabog.
Nakatayo ang limang lalaki na kanya- kanyang may hawak na arm as sa gitna ng mga ito ang isang lalaking kapansin pansin ang dagger na hawak.
"Dito na natatapos ang maliligayang araw ninyo! " sigaw ng lalaki.
Nagsisugod ang mga alagad nito, ang mga estudyanteng naka-recover na sa pagkagulat ay inatake rin ang mga dark crexel user. Kapwa nagtatagisan ng lakas ang dalawang panig.
"Kailangan na hating umalis! " ani ni Cevillia.
"Tatakas na lamang kayo?! Akala ko ba ay nagapaglitas kayo at tagabalanse ng Devarga? " pukaw ng pansin ni Clarice.
"HOY newbie manahimik ka nga, 'di hamak mas mahalaga ang buhay naming councilors kaysa sa mga buhay ng mga pesteng iyan. Sino ba ang may kailangan sa kanila ?" Mapanglait na sambit ni Lione.
"Pwes Hindi kayo nararapat na pinuno ng Devarga. Mga walang kwenta! " ani ni Clarice bago nagpakawala ng pagkalakas lakas na apoy sa direksyon ng kalaban ng Hindi man alang tumitingin.
The councilours gasp. "Hindi no matanggap na tinitingala kayo ng lahat. Mas masahol pa kayo sa mga dark crexel users, " galit at puot ang pumapaibabaw Kay Clarice.
Nabawi naman ni Cevillia agar ang urirat. "Walang maniniwala sa iyo, lahat sila may tiwala sa amin. Huh, sino ka ba para paniwalaan nila? " pilit n ngumiti so Cevillia kahit halata na sa mga mata nito ang takot sa kausap.
"Sino ako? I'll show you who I am, " ngising hasik ni Clarice at walang pangambang sumugod.
Sumunod sa kanya ang Elemental Royalties sinusundan ang mga kilos ng kanilang kinikilalang lider, ang prinsesa ng Elemental Kingdom.
"Tris Avena! " sigaw ni Clarice biglang nabuo ang isang napakalaking magic circle sa kanyang harapan na kulay asul.
Hang makalagpas siya sa magic circle ay may kasama ng armor ang puti niyang bestida.
Sumugod mula sa likod ni Clarice ang lalaking naka-dagger, nakangisi itong nagmultiply. Pinalibugan niya ang prinsesa gamut ang mga clones.
Nagsalubong ang mga kilay ni Clarice habang isa-isang tinitignan ang mga clone. "Ako nga pala si Eiz, ang tapat na lingkod ni Panginoong Laxcous, " sabay na ani ng clones.
Naghanda na sa pagdepensa si Clarice nang mamataang susugod na ang mga ito. Pasugod siyang nilabanan ng mga clones kung kaya tumalon siya sa ere upang iwasan ang mga atake.
Ginawa niyang patungan ang isang patalim ng isa sa mga clones tsaka tumalon palabas ng pinagdumugan ng mga clones. Agad namang naka-recover ang mga Eiz, ang isa sa mga ito ay pinaulanan siya ng mga dagger na walang kahirap hirap niyang iniwasan.
Ang tatlong dagger na binato sa kanya ay pinigilan niya sa pagtama sa kanya gamit ang mga pagitan ng kanyang daliri.
"Pathetic. " ani niya.
Binato niya ang mga dagger pabalik sa may-ari nito dahil sa bilis hindi namalayan ng clone na nasaksak na pala siya ng dagger naging abo agad ang clone.
Ang ibang nakasaksi na clone ay napaatras, hindi katulad kanina na basta basta na lamang ang mga ito na umatake ngayon pawang minamatsyagan ang bawat galaw niya.
Tatlo ang sabay na sumugod sa kanya galing sa likod, sabay ang mga itong umasinta sa kanya ng mga spear.
Lumitaw ang kanyang paboritong dagger sa kaliwa niyang kamay.
Iwinasiwas niya ang patalim nito sa ere sakto sa kinaroroonan ng mga spear agad na nahiwa ang mga ito sa ere pagkatapos niyang iwinagayway ang dagger.
Lingid sa kaalaman niya nakahanda ang apat na clone sa likod niya at pinosasan ang magkabilang kamay niya palikod ngunit lumakad siya sa salungat na direksyon.
Muli pinaulanan siya ng mga dagger ng ibang clones, hindi na niya nagawa pang umiwas dahil hindi siya makagalaw ng maayos dahil sa pwersang pilit siyang hinihila sa kabilang direksyon.
Nadaplisan ang pisngi ni Clarice at nasira rin ang kanyang bestida samantalang pinaulanan naman ni Ace ang ibang clones ng fire needles na naging dahilan upang tatlo na lamang ang natira.
Ang dalawa ay hawak ang mga kadena na nakadikit sa posas at ang isa ay nakangisi sa harap ni Clarice.
Hindi na natulungan ni Ace ang sinisinta dahil naging abala ito sa bagong kalabang hinaharap.
"Good bye, little princess." Ngising sabi ni Eiz.
Napangisi si Clarice buong lakas niyang itinaas ang magkabilang kamay habang lumilipad sa ere na naging dahilan upang sumama sa kanya ang dalawa clones nang sapat na ang taas niya ay iwnasiwas niya pababa ang mga kamay kung kaya't napabagsak sa sahig ang dalawang clones at naglaho.
" Ayan patas na tayo," ani ni Clarice habang tinitignan ang bakat na iniwanan ng posas na kaninang kumukulong sa kanyang mga kamay.
"Hmmm?" Pabalik na tugon ni Eiz bago tumalon papunta kay Clarice.
Naglabanan sila gamit ang mga dagger, kumikislap ang mga patalim nito sa bawat na pagtama ng mga dagger sa isa't-isa.
Naging mahigpit ang labanan ng dalawa, kapwa bihasa sa paggamit ng patalim. Kapwa ginagamit ang buong lakas upang matalo ang isa.
"Talo ka na, Reina" matalim ni sabi ni Eiz. Balak sana niyang saksakin sa puso si Clarice ngunit nahawakan ang braso niya bago pa niya magawa ang motibo.
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Clarice hindi niya magawang kumilos bakat sa kanyang mukha ang sakit.
At sa hindi niya namamalayan ay naglaho siya sa ere.
"Mukhang ikaw ang mahina sa atin Eiz?" Ani ni Clarice.
—————
V O T E
C O M M E N T
S H A R E
—STEF__12