CMA59: ELINE
Third Person’s POV
-------"RAINE, come here dear. " tawag ng isang babae na may mahabang buhok na itim at green na mga mata sa kanyang familiar.
"I'm glad your awake. " tugon naman ni Raine rito.
"Maaari mo ba akong kwentuhan sa naging buhay ko? " request nito.
Hinawakan ni Raine ang malalambot nitong mga kamay, inilapit ang noo sa noo nito tinitigan ang mga nagniningning na mga mata na pawang tunay na Emerald kung kuminang.
"Once, there are two individuals named Nir and Enair, they loved each other so much but only Enair is the only one who loved higher than friends would. He loved Nir so much kaya nang namatay ito ay binuhay niya ito kahit unti-unti pa siyang nagsasakrapisyo para rito. "
"Hmm? Ang lungkot naman pala ng pinagdaanan ni Enair. Bakit kaya hindi mahalin ni Nir si Enair ng tulad ng pagmamahal nito sa kanya? " takhang tanong pa ng babae.
"..Dahil hindi nararapat. " sagot ni Raine sabay tanaw sa kalangitan.
"Ay! Oo nga pala, Raine! Napanaginipan ko ang isang kastilo na kulay pula at maraming apoy, noong gumising ako ang hirap huminga tapos patuloy ang pag-agos ng luha ko. Tinatawag ko ang isang pangalan ngunit hindi ko maalala kung anong pangalan ba iyon, " kwento pa sa kanya ng babae.
Ikinarga niya ang bata ng bridal style. Napayakap naman ito sa kanyang leeg na namumula ang mga pisngi. Hindi makatingin sa kanya ng deretso.
"Kalimutan mo na iyon, Eline.
Kung pipilitin mong alalahanin ang iyong panaginip sasakit lamang ang iyong ulo, kaya dapat ang intindihin mo ay ako lang at wala ng iba. Dahil sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong saakin ka at wala nang iba. ""Kung iyan ang iyong nais, familiar ko. " sang-ayon naman ni Eline.
"Saan pala tayo pupunta? " a question popped out in her head.
"Sa isang puno na pinagdalhan ko dati ng babaeng pinakamamahal ko. "
"Ha? Hala! Sino naman ang maswerteng babae na iniibig mo Raine? Siguradong napakaganda niya at malakas! Nasa'n na pala siya? " halata ang paglungkot ni Eline sa mga sinambit.
Inilapag naman ni Raine si Eline sa damuhan malapit sa puno na kanyang sinasabi.
"Iyan ba ang punong tinutukoy mo? " tango lamang ang sinagot ni Raine rito.
"Ang ganda naman niyan! " komento ni Eline habang pumipitas ng bulaklak.
"Kung bibisatahin mo ang babaeng iyong iniirog Raine, marapat na bigyan mo siya ng rosas sapagkat ito ay sumisimbolo ng pag-ibig. Upang lagi niyang naaalala ang tapat na walang hanggang pagmamahal mo sa kanya. " payo ng bata sa kanyang familiar sabay abot rito ng mga pinitas na mga rosas.
"Tama ka, ang talino mo talaga. " ginulo pa ni Raine ang buhok nito na ikinairita naman ni Eline.
"Ang sabihin mo pang-prinsesa ang aking katalinuhan at kagandahan! " kantsyaw pa nito sabay tawa.
"Ikaw talagang bata ka, self-proclaimed princess naman ang trip mo ngayon ano naman kaya bukas? "
"Magiging diyosa ako bukas! Pakikita ko sa iyo ang tunay na masasabing diyosa ng kagandahan, " paghahamon pa ni Eline.
Napailing na lamang si Raine.
"Pero.. Nasa edad na ako upang mag-aral Raine. Gusto ko nang makasalumuha ang ibang bata! Naririnig ko pa sa mga dumadaan sa bundok na pinag-huhuntingan ko nung isang araw may mga dark crexel users daw na gumagala sa Devarga! Ano po 'yung Dar Crexel Users? " kwento ulit nito sabay upo uli sa tabi ng familiar.
"Wag mo nang intindihin ang problema ng mga maharlika atsaka hindi ba't sinabi ko sa'yo na 'wag kang gagala sa kagubatan lalo na sa bundok ng kawalan? Paano na lang kung napapano ka? " pangaral naman ng familiar.
"Nakakabagot na kasi sa bahay, at isa pa gusto ko lang makita ang kagandahan ng Fire Kingdom! Pati ang malapit na pagkakaroon ng bulwagan sa kaharian. Pipili daw ng papakasalan ang prinsipe, sino kaya ang tatanghaling reyna? Any guess Raine? " dada pa ng paslit.
"Si Clarice sana.. Pero hinayaan lang nilang mapatay ito. She was killed by that jerk! " ani ni Raine sa sarili.
"..may pupuntahan ako sa susunod na tatlong araw, Eline kaya 'wag mong iiwanan ang bahay ah? Pangako ko na babalik rin agad ako pagkatapos ng mga araw na 'yon. "
"Nanaman? "
"Kailangan eh, para naman sa'yo ang lahat ng ginagawa ko..." ani ni Raine sabay ngiti ng matamis.