CMA62: STUPID

1.1K 30 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

-----

HINDI magkamayaw sa paghahanap ng damit si Eline. 

Sinusuyod niya ang bawat sulok ng damitan upang humanap ng damit na babagay sa pupuntahan nila. 

Kanina pa naiinip sa paghihintay si Raine pero pinabayaan na lang niya ito.  "Aha! " hiyaw ng paslit ng makita na ang hinahanap nito. 

Isa itong itim na bestida na hanggang tuhod niya,  may kwelyo itong puti't mala-rosas na ribbon.  Katerno nito ang kanyang mini-bag sa likod na itim at red ang kulay. 

Lagi siyang nagdadala ng mga kagamitan sa tuwing namamasyal sila ng kanyang guardian.  Nakasanayan na rin niya ito. 

"Halika ka na,  Raine baka gumabi na! " magiliw nitong yaya habang hawak ang bag ng pawang ito ang pinaka -importanteng bagay sa buong mundo. 

Niyaya siya ni Raine na maglakbay sa karagatan bilang pangbawi sa mga araw na wala ito.  Walang nagawa si Eline kundi pumayag rito dahil mukhang iiyak na ito. 

Sinadya nilang pagabi na umalis dahil mas aktibo  si Eline sa gabi kung tutuusin hindi na ito natutulog kung minsan.  Sa halip na magpahinga mas pipiliin pa nitong kulitin si Raine. 

Kaya minsan hindi maiwasan ni Raine na maasar rito dahil kadalasang wala siyang tulog kakadaldal nito sa kanya.

Pero mahal niya ito kaya titiisin niya kung gaano ito kahirap paamuhin.  Atleast nasa kanya ang buong atensyon nito at wala sa iba.  Hindi niya hahayaang may makaagaw kay Eline,  dahil sa pagkakataong ito hindi niya maatim na mapunta ito sa iba.  Kahit magkamatayan man. 

Hindi maiwasan ni Raine na mapailing sa naiisip.

Malapit nang lumubog ang araw ngunit napakakulit pa rin ni Eline.  Hinawakan niya ito sa kamay,  mahigpit.  Pawang biglang mawawala ang paslit kung bumitaw o maluwag ang pagkakahawak niya. 

Hindi na siya masyadong nagpapakita kay Avrolou at Electo.  They would just take Eline/Clarice away from him.  No,  he won't make that happen.  Never. 

Naikuyom niya ang kamao ng biglang gumawa ng bolang apoy ang paslit sa hintuturo nito.  Nababakas ang kahumalingan sa sariling kapangyarihan. 

Nakangiti ito,  yung tipong aabot na sa tenga.  Maya-maya pa hinangin ang buhok nito,  nakita niya ang tattoo nito sa batok. 

Ang marka ng muling pagkabuhay nito. 

Hindi niya alam kung gaano katagal niya ito tiningnan.

Naglaho ang apoy na ginawa nito,  nadismaya si Eline ngunit ng lumingon ito sa kanya ngumiti ito upang ikubli ang kalungkutan. 

"There's something in the fire that I love to feel.. " panimula nito.  He made a poker face.  "I know that you hate me saying this..  But I think sa nakaraang buhay ko,  naging malaking parte nito ang apoy.  Haha,  ganon ba kalaki kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?  Hmm.. I'm curious.  "

"Eline you don't need to know that sh*t.  You NEED ONLY ME nothing else.  Do you understand? " he possessively growl. 

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng paslit.  "R-right.. " mahina nitong sambit. 

Yumuko ito,  ang kaninang patalon talon nitong paglakad ay ngayo'y naglalakad na lang ng parang walang gana. 

Nakokonsesya man sa epektong kalungkutan ng sinabi sa paslit ay tinatagan niya ang damdamin.  If he have to be hard as a stone--he will. 

Nothing can steal Eline away from him,  remember that.  Noone even that Ice cold prince. 

"I didn't meant to anger you.  I-I'm sorry.. " it apologized. 

Raine got lost in his train of thoughts. 

Alam ni Eline na ayaw nitong napag-uusapan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa apoy at maharlika.  She doesn't now he hates this things,  but he understand him.  Her heart does. 

Unti-unti na niyang natatanaw ang katubigan.  Panandaliang nawala ang kanyang isipan sa sitwasyon. 

Patakbo niyang tinahak ang dagat.  Tinawag pa siya ng familiar at pinahalalanan na mag-ingat.  Hindi niya ito pinansin at mas binilisan pa ang pagtakbo. 

Wala sa sariling nilundag ang ang dagat ngunit nasapo sa buhangin ang kanyang pwet kung kaya't napa-aray siya.  She giggled at her stupidity,  hindi niya akalaing sa ganda niyang yan eh magiging stupid pa siya! Unbelievable but true. 

Her family came running to her,  kinarga siya nito ipinulupot niya ang basang mga paa sa bewang nito. 

"It hurts!  But still worth it! "

Napa-iling na lamang ang kanyang familiar sa kanya imbes na magsalita ay ngumiti na lang ito sa kanya. 

"Stupid. "





"And this stupid is your one and only master ULAN! " she teased him. 

"And my master is mine only.  "





------

At ginanahan ring mag-UD.  Inspirasyon ko po ang mga comments niyo kaya sana keep on commenting guys! 😀

Don't forget that I am a very lazy author but this Summer I will be updating more often sulitin na!

~Stef__12

Craxel Magicai Academy: The Unique OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon