•5•

15.7K 305 5
                                    

Putang*na niya!

Gigil na gigil ako sakanya! Anong akala niya?! Laro-laro lang ang nangyari kagabi? Na laro lang na itaya ko ang pagkababae ko?!

Nakatulala lang ako sa harap ng naka-sarado na niyang pinto.

Ano nang gagawin ko?

Naloko ako ng demonyong 'yon! Anak talaga siya ni Satanas! Ugh! I really hate you Santi!

"Anak?" nakakunot-noong nilingon ko ang tumawag saakin.

"Oh, bakit ka nandito? Nag-away kayo ni Santi?"

Nawala ang kunot-noo ko, si mama pala.

Oo mama! Hindi lang basta-bastang away! Nilapastangan niya ako! Niloko niya ang kapatid niya!

Mama hindi na ako virgin! Madumi na ako huhu, sorry Lord.

"Hindi po ma, ano kasi... Uhm... Kanina ko pa kinakatok si Santi wala namang sumasagot." sinungaling ka Savana! Dahil sa letchugas barabas na Santi na 'yan nagiging sinungaling ka na!

"Wala talagang sasagot diyan. Kabababa lang ni Santi. Kung gusto mo siyang kausapin nasa kusina siya." namula naman daw ako. Para pala akong tanga sa palusot ko.

"Ay, ganoon ba, sige mama 'wag nalang hehe, maliligo nalang pala muna ako." akmang tatalikod na ako ng hawakan ni mama ang kamay ko.

"Pagpasensiyahan mo na si Santi anak ha? Pakisamahan mo na lang, naniniwala akong balang araw lalambot din ang puso niya at papayag na siyang magpakasal kami ng daddy niya."

Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni mama. Oo nasasaktan siya pero bakot ganoon, ba't ang bait-bait parin ng mama ko? Bakit nakukuha parin niyang ngumiti kahit hirap na hirap na siya?

"Para po sa'yo at kay tito Jin mama, I can do anything just to make you happy, titiisin ko nalang po ang kapatid ko." sumilay ang ngiti sa labi ni mama.

"Kapatid..." may ngiti sa labi niyang banggit sa 'kapatid' nasasayahan siguro siyang may anak na siyang lalaki.

"O siya, maligo ka na. Pagkatapos mong maligo dumeretso ka na sa kusina nang makakain ka na."

"Opo mama."






PAGBABA ko matapos maligo nakita ko kaagad si mama at tito Jin na nagkukulitan sa sala.

"Iha, kumain ka na. Pasensiya na at nauna na kami ng mama mo, gutom na kasi siya."
Ngumiti lang ako bilang sagot. Nakangiti lang din si mama.

Gusto ko sanang malaman kung nandito pa ba si Santi, kung nasa kusina pa ba siya.

Pero nasagot din ang tanong ko ng pumasok mula sa labas si Santi.

"Nandito na pala si Santi, sige Ana, sumabay ka na kay Santi kumain".

Nilampasan lang ako ng demonyo. Blanko ang mga mata niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Madapa ka sanang demonyo ka!

Tahimik na sinundan ko nalang siya papuntang kusina.

Umupo ako sa unang upuan na nakita ko. Walang imik na kumuha ako ng kanin. Hindi ko siya tinignan, kumuha narin ako ng ulam ko.

Hmm, bakit kaya tahimik pa ang demonyo?

Nilingon ko ito. Nag sign of a cross siya at saka pumikit.

Napapikit nalang ako. Ang bobo mo rin Savana no? Feeling ko tuloy mas masama ako kesa sa demonyong ito.

Matapos niyang mag pray, tumingin siya saakin saka nag smirk. Ugh! Sabi ko na nga ba pipikunin ako ng demonyong ito!

Giving Up My Virginity: To My Soon To Be Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon