•17•

9.1K 192 14
                                    


"Congrats Mr. and Mrs. Smith!" sabay-sabay na bati ng halos lahat ng bisitang naroon sa loob ng simbahan.

Dumating na ang araw. Kasal na si mama at tito Jin.

Ang ama ni tito Jin ay tanggap na si mama.
Sabi niya wala naman daw siyang magagawa kung ito man ang gusto ni tito at masaya naman ako sakanila.

"Thank you. Thank you." paulit ulit na bati ni mama sa mga taong nadaraanan nila ni tito.

Halos hindi ko nga makita si mama dahil sa mga taong gustong bumati sa kanila.

Kontento naman akong nakatingin kay mama habang nakangiti. Ang saya saya ni mama. Kitang-kita ko sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya.

"Congrats Jinus!"

"Wow ang ganda mo tita Sandra!"

"Honey moon here they come!"

Halos lahat ay may komento sa kanilang dalawa.

Habang hinahagod ko ang aking braso, nilalamig kasi ako.

May biglang nagtakip sa mga mata ko.

Sisigaw na sana ako pero tinakpan niya rin ang bibig ko.

"Hmp!" sobrang lakas niya na hindi ako makawala sa kanya.

"Shh. Ang likod mo naman Savana." natuod ako ng marinig ko ang boses niya.

"H-hino? Kainis ka naman eh! Bitawan mo na nga ako!" at binitawan nga niya ako.

As soon as nabitawan na niya ako sinapak ko sa sa braso niya.

"Walanghiya ka talaga!" mahina pero nanggigigil kong saad.

Tumawa lang naman siya ng tumawa. Lumingon ako sa paligid at nakitang nakalabas na pala sila mama ng simbahan. Mukhang masaya talaga si mama at hindi na naisapang may anak pa siyang walang kasama dito.

"He-hey, haha. Galit ka na niyan Savana?" nakikiliti parin ang tono niya kaya mas lalo akong nainis.

Maya maya pa hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Hindi na ako nagulat. Sanay na ako kay Hino. Halos araw-araw na kasi kaming aksidenteng nagkikita.

"Sorry...pwede baaaaaa!" kanta niya kaya napatawa tuloy ako.

"Sorry na babes...please?" at nagpout pa ito na naging dahilan para magmukha siyang ewan.

"Ewan ko sa'yo Hino. Tigilan mo 'ko ha?"
Humagikhik lang siya kaya inirapan ko na siya.

"Wow! You look so sweet Savana and?" napalingon ako sa bigla sa likuran ko dahil sa nagsalita and it's Claine.

"Hino... Hino is my name." matipid na sagot ni Hino.

"Oh, girlfriend mo ba ang sister-in-law ko?" may halos pagka-excite niyang tanong.

I mentally rolled my eyes. Ano bang problema ng babaeng 'to?

"No. We're just friend."

"Really? Bagay kayong dalawa!" kinikilig niyang komento.

"Talaga? That's great!"

Nakangiti namang sagot ni Hino.

Psh. Parang ang plastic naman nilang pakinggan.

"Anyway, pupunta ba kayo ng reception or mag-de-date kayong dalawa? Kayo ha! You should talaga. Bagay talaga kayo eh."

Habang patagal ng patagal ang pakikipag-usap niya kay Hino mas naiirita ako.

Giving Up My Virginity: To My Soon To Be Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon