•7•

13.6K 252 2
                                    

Tahimik ang buong bahay. Hindi mo maririnig ang bakas ng boses ni Sandra at Savana Trinidad.

Mag-aalas diyes ng umaga ng umalis ang mag-ina upang umuwi sa dati nilang bahay. Kaarawan kasi ng kapatid ni Savana. May konting handaan ang kapatid nito at nais silang masilayan ni Amelia.

Naiwan naman si Jin sa bahay nila. Naroon rin si Santi, kunot ang noo nito at hindi alam kung ano ang nararamdaman. Naiinis ba siya dahil wala si Savana?

Wala siyang mapagbubuntungan ng sama ng loob.

Nakatingin si Jin sa anak niyang halatang bored na bored na. Nakatitig lang ito sa tv, halatang hindi naman nanonood sa palabas.

Maya-maya pa napagpasyahan na ni Jin na lumapit rito.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.

"Santi?" hindi umimik si Santi, nararamdaman niya ang presensiya ng ama niya pero mas pinili niya na huwag itong pansinin.

"Kamusta ka na anak?" halos gumuho ang pader na humaharang sa puso ni Santi. Hindi ito gumuho dahil sa sobrang saya, kundi dahil nag-aalab ang puso niya.

Marahas na lumingon si Santi sa ama niya. Halata sa expression nito ang galit. Napaatras naman ng kaunti si Jin sapagkat hindi niya inakalang ganoon na lamang ang makikita niya sa anak niya.

Para itong demonyo na nakakulong. Matalim ang tingin at gustong-gusto ng sumugod.

"You have no rights to asks me like that!" nagulat ulit si Jin at hindi nakahanap ng isasagot.

"Nawala ang karapatan mo ng mamatay si mommy." tiim bagang nitong saad.

"Let's forget the past Santi, mag-iisang taon ng wala ang mommy mo."

Nanginig sa galit si Santi. Paano nasasabi ng isang asawa ang ganyang bagay?

"Stop this dad. Kahit anong gawin ninyo. Kahit magpakasal pa kayo. Hinding-hindi ko kayo matatanggap. Lalong-lalo na ang Sandra na 'yon."

"Why can't you accept the fact that I no longer love your mom? Mahal ko si Sandra, anak. Please... I'm begging you..."

"No. My answer will always be no. It will never be yes. Mas mabuti pang tapusin mo na ang relasyon ninyo ng babaeng 'yon."

Hindi napigilan ni Jin ang bugso ng damdamin. He punched his son's face.

"What the f*ck?!"

"Hindi basta-bastang babae lang si Sandra, tandaan mo 'to Santi. Magpapakasal kami ng tita Sandra mo sa ayaw at sa gusto mo. I am really done with you. Pinagbigyan ko lang ang tita mo na suyuin ka at hingin sa'yo ang oo mo, but seems like your hard like a stone."

Mabilis ang kilos na tumalikod at naglakad si Jin palabas ng bahay. He needs fresh air.

Habang si Santi naman ay naiwang nakangisi habang sapo-sapo ang kanyang pisngi.

"Tsk. Old man, old man, the old man want's to f*ck."

Dahil sa ginawang eksena ni Jin nakaisip ng bagong paraan si Santi.

Alam niyang mahuhulog at mahuhulog si Savana sa patibong niya, hindi lang si Savana ang masasaktan sa bunga ng plano niya. Pati narin sina Jinus Smith at Sandra Trinidad.











"AUNTIE Amelia!" Sigaw ko ng makita ko si Auntie.

Lumawak ang ngisi ko ng lingunin niya ako at ngumiti rin. Sinalubong niya kami habang tumatawa.

"Savana! Ang ganda ganda na ng pamangkin ko!" niyakap ko kaagad siya dahil sa tuwa. Humiwalay naman siya kaagad saakin at si mama naman ang niyakap.

"Naku! Ang bango-bango mo na Sandra, amoy mayaman na talaga ang kapatid ko," kinurot lang siya ni mama saka sabay silamg tumawa.

"Auntie, ma, pasok lang po ako sa loob." hindi ko na hinintay ang sagot nila at mabilis na pumasok na ako sa loob.

Ilang weeks na ba simula noong iwan namin ang bahay na ito?

Dati pa man ay kasama na namin si auntie Amelia sa bahay na ito. Wala narin kasing asawa si auntie, nangapit-bahay na. May dalawa siyang anak. Si Agatha na 18 years old at si Azrael na 18years old din, and yes! Kambal sila.

20 years old lang si mama ng mabuntis siya saakin kaya mas matanda talaga ako kina Agatha, I am 20 na.

"Agatha!" pagtawag ko sa pinsan ko, ang ganda talaga ng pinsan ko, mabuti, natural na mapula ang labi at pinkish pa ang pisngi. Nakakapagtaka talaga at wala pang boyfriend hanggang ngayon.

"Woah! Nandito na pala kayo ate Sav!" niyakap ko agad siya at saka sumagot ng kararating lang namin.

"Ang ganda mo na ate Sav, ilang weeks pa lang kayo doon pero miss na kita. Kanina ka pa nga hinahanap ni Az eh, pakipot pa na hindi ka namimiss."

Si Az or Azrael ang kambal ni Agatha, sobrang snob ng batang 'yon. Hindi nga 'yon namamansin saakin e, lalo na kay Agatha, pero alam ko talaga na miss ako nuon, ako kaya ang gumagawa ng assignments niya nuon, ito kasing si Agatha hindi nagpapakopya. Sa kanilang dalawa si Agatha ang matalino.

"Nasaan na nga pala ang kambal mong 'yon?"

"Naku ate, siguradong nandoon na naman 'yon sa court, nagba-basketball kasama ni kuya Jayuard".

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa binanggit na pangalan ni Agatha.

"Huh? Nandito na ba si Jay?"

Umaliwalas ang mukha ni Agatha at sinundot-sundot ang gilid ko.

"Oyy si ate! Hinahanap mo ba si kuya Jayuard? Hihihi".

"Hindi no, bakit ko naman hahanapin ang hambog na 'yon. Nagulat lang naman ako, kasi nga diba, kinuha siya ng papa niya."

"Okay. Sabi mo e," tumatawang saad ni Agatha.

"Savana mamaya na 'yang kwentuhan, kumain ka muna. Halika na, sabayan mo na si Sandra".

"Opo auntie!"

Kinurot ko muna si Agatha bago tuluyang tumayo.

"Ouch!" tumakbo na ako bago tuluyang habulin ni Agatha.


••
Wazuup!

Giving Up My Virginity: To My Soon To Be Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon