•19•

10K 185 5
                                    

"Babes...wake up." hindi ko mamulat ang nga mata ko dahil inaantok pa talaga ako.

"Savana..." pilit niyang kinikiliti ang tagiliran ko pero hindi naman ako nagigising. Mas antok ang nararamdaman ko ngayon kesa sa kiliti ni Hino.

"Sav--" hindi ko na pinatapos ang pagbanggit ni Hino sa pangalan ko dahil nainitan ako bigla, sa tenga ko ba daw binanggit ang pangalan ko.

"Umagang-umaga Hino ah, kainis ka talaga."

"Iyan lang pala ang magpapagising sa tulog mantika na prinsesa." sinimangutan ko siya at nag cross arms.

"Ang aga mo akong ginising! Eh ang tagal bago tayo nakatulog kagabi!"

Oo matagal kaming nakatulog kagabi, napilit ko kasi si Hino na mag swimming kahit sobrang lamig na at madilim na.

"Dahil din naman sa kagustuhan mo kaya tayo natagalan matulog ah," aniya.

"Whatever. Nga pala, bakit mo ba ako pilit ginigising?"

"Wala. Mag shower ka na, I prepared our breakfast already." tumango lang ako.

Lumabas na siya ng tent kaya tuluyan na akong bumangon. Kumuha ako ng isang pink floral dress sa bag ko pati narin under wear at bra. Hindi na ako maliligo ng dagat ngayon, I'll just take a shower.



Matapos kong maligo ay dumeretso na ako sa gilid ng dagat kung saan naroon si Hino.

"Oh, saan tayo mag-aagahan?" mataray kong tanong habang inaayos ko ang sun glass ko.

"Sa kalapit na beach, we'll take the boat first." hindi na ako nagreklamo at sumakay na agad sa maliit na bangka na maghahatid saamin sa kabilang beach umano.

Mabilis lang naman kaming nakaabot sa tabing beach. Sobrang lapit naman kasi.

"Good morning ma'am and sir!" salubong saamin ng isang lalaki na may malaking ngiti.

Ngumiti lang ako bilang ganti. Nakahawak lang ako sa braso ni Hino habang itinuturo ng lalaki ang mesa namin ni Hino. Maraming mesa dito pero iisang lamesa lang ang may handa na pagkain. May mga petals na nakakalat sa paligid ng mesa.

Anong meron?

"Hi--" nabigla ako ng halikan ako ni Hino sa labi.

"Ayan. Mamaya ka na magsalita ha?" nabitawan ko siya kaya nauna na siyang maglakad.

Napahawak ako sa labi ko dahil sa gulat. Feeling ko tuloy first time pa akong nahalikan.

"Come on Savana, I know gutom ka na."

Ipinagkibit balikat ko na lang ang mga tanong na bumabagabag saakin.

Pinaupo niya ko sa isa sa dalawang upuan. Umupo narin siya.

"Let's eat?"

"Yes, we should eat. Nagugutom na talaga ako."

Wala kaming pakaelamanan. Kumain ako at kumain din siya. We ate in silence.

I begin to love the atmosphere ng magsalita si Hino.

"Ahm, I just want to tell you something Savana."

"Spill it, Hino."

Walang pake kung sagot, nilantakan ko na ang buko salad na nakahanda rin.

Woww! Ang sarap! Nalalasahan ko talaga ang fresh buko at ang sarap ng gatas. Hmm!

"I know you are deeply in love with Santino. He's so lucky na ang isang Savana Trinidad ay baliw sakanya. I saw how you cried because of him," dahil sa sinabi niya natigilan ako sa pagkain.

Giving Up My Virginity: To My Soon To Be Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon