•18•

9.2K 190 0
                                    

A/N: Hi! Dahil malapit ko ng tapusin itong GUMV: To My Soon to Be Brother, may bago ako i-pupublish, entitled GUMV: To My Boss kwento ng pinsan ni Savana na si Agatha:)
Hope you'll read it too.













"SO you are Santi?" She shifted her gazed ng magtama ang mata nila ng ama niya.

"Yes sir, I am Santino Smith." magalang nitong saad.

Hindi na sumagot si Mr. Toshiba, after seeing who impregnant her daughter  parang nabawasan ng tinik ang kanyang dibdib.

Jinus Smith is a well known man. Kilala siya dahil sa nga business na meroon siya and it quiet satisfies him na anak pala ni Jinus ang nakabuntis sa anak niya.

"So...what's your plan now?" hindi niya ipinahalata na wala na ang galit na naglalaro sa dibdib niya.

"I'll marry her, sir." diretso nitong sagot.

"Woah. That's good to hear Santi." natuwa naman si Mr. Toshiba dahil sa sagot ni Santi, hindi naman pala siya mahihirapang ipakasal ang dalawa.

"Mr. Smith you did a good job. Pinalaki mo ng maayos ang anak mo."

"Thank you Mr. Toshiba."  ngumiti lang si Sandra kay Mr. Toshiba.

"So...let's plan kung kailan sila magpapakasal. Hindi ko gustong pagkalabas pa lang ng apo ko sila magpakasal. I want their wedding as soon as possible."

"Well, kami rin Mr. Toshiba, as soon as possible."

"Carlo will do," nakangiting saad ni Mr. Smith.

"Jinus will do too."

And that day nagplano na sila para sa kasal ni Santi at Claine.






"SO bakit ka nga nandito?" ulit ni Hino sa nauna niyang tanong.

Hindi ko parin siya sinagot, nakatulala lang ako sa kawalan habang nilalagok ang orange juice na ginawa niya.

"Nice talking to my self." sarcastic nitong sagot sa sarili niya.

"Tumahimik ka nga Hino, pumunta nga ako dito para at peace ako pero ang ingay ingay mo pala."

I talk to him na para bang walang kissing scene na nagyari kahapon.

Wala paring pinagbago. Walang awkwardness, wala.

Kasi kung paiiralin ko ang pagiging OA ko at gawing big deal ang nangayari, edi hindi ko na magagawang kausapin pa siya, ayokong mawala si Hino. Siya nalang ang meron ako.

"Tsk. Bad mood ka ba? Ano ba kasing meron sa inyo?"

Inilapag ko na ang baso na naubos ko na ang laman.

"Ayon, inaayos na nila ang gusot. Siguro pinagpaplanuhan na nila ang kasal nila. Ewan." at nagkibit balikat pa ako.

"Kaya pala... So nasasaktan ka?"

Umiling lang ako.

"Hindi mo na siya mahal?"

"Hindi...hindi sa ganoon, mahal ko pa siya pero tanggap ko na na hindi kami pe-wede, maybe I'll just convert this love into a love for a brother."

"That's right Savana, in that way hindi mo masasaktan ang mama at papa mo."

Papa? Hindi pa ako sanay na tawaging papa si tito Jin pero siguro nga dapat na sanayin ko na ang sarili ko na tawagin siya papa kasi from now on until my last breath, ama ko na si tito Jin. Papa ko na.

"Kaya nga diba, wow ha, talagang marunong kang mag-advise, nakaka-wow ang words of wisdom mo." tumawa lang ng payak si Hino.

Ako naman napatitig na naman sa kawala. Look how boring my life now.

Dati...noong galit pa si Santi saakin everyday is a mess. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang kademonyohan ni Santi.

Pero ngayon. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang tahimik ng buhay ko.

Ganito ang buhay ko bago dumating si Santino at tito Jin.

Ganito ang buhay namin ni mama.

Tahimik.

Walang gulo.

Walang inaalala.

Walang masakit.

Walang Santi.

Nasanay akong tahimik ang buhay namin.

Pero hindi ko naman aakalain na sa pagkawala ni Santi sa buhay ko, bilang isang demonyo na Santi, magiging boring pala ang buhay ko.

Sa sobrang boring pati yata pagbuntong hininga ko ramdam na ramdam ko.

"Ano ba 'yan. I can't stand seeing you like that Savana. Dapat magsaya tayo. Gusto mo bang mag beach ngayon? Let's go back to Lapyahan Beach Resort, magdadala ako ng tent. Mag over night tayo!"

I rolled my eyes. Mukhang excited na excited si Hino.

"Ano? 'wag mong sabihin na ayaw mo?" dismayadong tanong nito.

"Hindi kaya! Oo ba! Ihatid mo muna ako sa bahay. Magpapaalam ako kay mama at papa. Kukuha narin ako ng damit. I'll gonna swim like there's no tommorow!"

"Yeah baby! Let's go!"















"Brrr. Ang lamig na kapag gabi dito Hino!" niyakap ko ang sarili ko dahil mukhang lamig na ang papatay saakin.

"Sino ba kasing tanga ang magsusuot ng two piece, magbihis ka na nga." aniya habang nagiihaw ng ulam namin.



"Eh! Gusto ko pa ngang maligo! Sabayan mo kasi ako! Natatakot akong maligo ng mag-isa."


"Ano bang nakakatakot diyan? Sige na titignan naman kita."

"Ayokoooo! Tignan mo oh, ang itim ng tubig!"


"Kung ayaw mo, oh siya sige, magbihis ka na. Kakain na tayo."

Napasimangot ako dahil sa isinagot niya.

Kainis naman siya eh! Eh sa gusto ko pa ngang maligo! Matagal narin kasi magmula noong maligo ako ng dagat.


"Sige na Savana, magbihis ka na." tila nauubusan na ng pasensiya na tawag saakin ni Hino.

Lumapit nalang ako sakanya at tinignan ang paghahain niya ng pagkain. Naluto na ang inihaw niya na bangus. Nagsimula na siyang maghiwa ng mga kamatis, luya at iba pa para sa sawsawan namin.

"Sige na Savana, magbihis ka na. Malalamigan ka na talaga niyan."

I rolled my eyes.

Tumayo na ako. Magbibihis na lang ako. Para naman makakain na kami hihi. Pero bago 'yon lumapit ako kay Hino, I hugged him from behind na nagpatigil sa kanya.

"S-savana..." I giggle, sobrang rare ba?

"Thank you Hino, you're the best!" then I kissed his cheeks at iniwan siya doon na tulala.

Lalalala! Your so blessed Savana. Just smile at kalimutan lahat ng problema.

Giving Up My Virginity: To My Soon To Be Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon