•13•

9.5K 208 4
                                    

Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas nasalinan na si Santi ng dugo. Sabi ng doctor ang pag gising nalang niya ang hihintayin namin.

Dahil sa aksidenteng nangyari kay Santi marami akong napagisip-isip. Naisip ko na kahit pala magalit ako kay Santi, na kahit ano pang kademonyohan ang maisip niya. Mahal ko parin pala siya. Minahal ko na pala ang kapatid ko. I love him as a brother.

Siguro oo, minahal ko siya higit pa sa kapatid. Pagmamahal na bawal. And I am so late realizing it. Kahit pala ang pangit pangit ng ugali niya, matututunan mo siyang mahalin.

Alam ko na balang araw may babaeng magmamahal kay Santi, babaeng pwede sa kanya.

For me, ang pagmamahal nga talaga ay hindi natututunan. Kusa mo itong mararamdaman. Kusa mo itong marerealized. Kasi sa case ko, hindi ko alam na ang pagsusuplado at ang galit ni Santi saakin ang nagpahulog sa puso ko.

Ang weird ko, oo ang weird weird ko. Pero wala akong magagawa. Ganoon ako.



"Anak, nakapag-decide na kami ng tito mo. Magising man o hindi si Santi ngayong gabi, itutuloy namin ang engagement party mamayang gabi." nakangiting saad ni mama.

Ngumiti ako bago sumagot sakanya.
"Ma... Ano po ba talaga ang pagmamahal?" out of the blue kong tanong.

Natigilan si mama sandali.

"Para saakin, ang pagmamahal ay isang malaking sakripisyo,"

"Alang-alang sa mahal mo, hahayaan mong masaktan ang sarili mo."


Tumingin saakin si mama at ngumiti.

"Alam mo ba kung ano ang katotohanan sa pagmamahal?" umiling ako, totoo naman kasi. Hindi ko alam, isa akong babae na minulat lamang sa pagmamahal ng ina. Ni hindi ko maranasang magkaroon ng ama noon.

"Kapag mahal mo, kaya mong isakripisyo kahit sarili mong kaligayahan, teka nga anak, in love ka ba?"

"Opo, pero sa taong kahit kailan hindi magiging akin." wala sa sarili kong sagot.


"Sino 'yan ha? Ba't ang lalim lalim ng hugot mo? Naku, dalaga na talaga ang anak ko."

"Ma naman e!" hindi talaga ako sanay na ginaganyan ni mama.

"Maiba tayo anak, ano ang plano mo? Gusto mo bang magpatuloy sa pag-aaral o gusto mo ng mag-asawa?"

Natigilan ako saglit saka ko narealize.

"Ma naman ehh! 20 pa po ako! Hindi pa ako ready mag-asawa no!"

At isa pa. Wala akong boyfriend, at sa tingin ko hindi na ako magkakaboyfriend. Natatakot din kasi ako na baka walang tumanggap saakin. Hindi na ako birhen. Paano kung ito ang maging batayan ng mapapangasawa ko? I am afraid.


"Anak... Sabihin mo lang ang gusto mo. Mabibigay ng papa Jin mo ang gusto mo." ngumiti ako kay mama.

"Opo ma, sasabihin ko po sainyo ang gusto ko pero hindi na muna ngayon ma. Ang gusto ko lang talaga ngayon magising na ang kapatid ko."

Miss ko na si Santi. Dalawang linggo na rin siyang tulog. Hindi ko naman alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin ito nagigising. Siguro... Nananaginip siya. Sino kaya ang kausap niya?

Baka naman sinusundo na siya...


Baka naman... Sasama siya sa mama niya?






"Tito! Si Santino GISING NA!"

Halos mabingi ako dahil sa lakas ng boses ni Aldred. Sa sobrang lakas nito, nataranta ako maging si mama.

Giving Up My Virginity: To My Soon To Be Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon