A/N: Nate's picture on the right side>--
Chapter 1
NATE’S POV
“Nate sino na patutumbahin natin?”
Tanong nung tropa ko.
Hindi naman sa masama akong tao. Palaaway lang talaga.
“Calvin Castro.”
“Bakit si Calvin? Tropa natin dati yun ah?”
“Eh ang yabang eh. Umalis daw ba sa tropa at pumunta dun sa nakasangga natin dati? Ano pinagmamalaki niya?”
At pagkatapos nun inabangan na namin si Calvin.
Tropa namin dati yun. Umalis siya sa grupo ng hindi namin alam yung dahilan. Nagmamayabang siguro, kala niya kaya na niya sarili niya. At ang matindi pa dito, nalaman ko nalang na dun na siya nakikitropa sa nakasangga namin dati. Gago dba?
“Calvin.”
“Pare bakit?”
“Huwag mo ko mapare-pare gago ka!”
*BOOOOGSSSH!
At pinagpatuloy pa namin ito ng tropa ko. Wala kaming paki kung mapatay namin tong hayop na to.
Kung wala lang dumating na guard hindi namin to titigilan eh. Pasalamat siya buhay pa siya…
Umuwi na ko ng bahay. May onting galos lang naman ako.
Pagpasok ko…
*PAK
Binatukan lang naman ako nung babae kong kapatid. Si Ashley.
Halos magkaedad lang kami. Same year kami pinanganak. Nauna lang ako kasi January ako tapos siya November.
“Abnormal ka ba talaga kuya? Bakit mo binugbog si Calvin? Eh tropa niyo yun dati ah.”
“Wala ka na dun Ashley. Bakit ba?”
“Tanga mo talaga. Na-ospital kaya siya. Kawawa naman si Calvin.”
“Tama lang sakanya yun. Traydor yun eh, iniwan yung tropa tapos pumunta dun sa ibang tropa.”
“Ewan ko sayo!!”
At umalis na siya...
Crush niya kasi dati si Calvin eh. Kaya ganyan makapag-react.
BINABASA MO ANG
She's a Mess
Teen Fiction[ON GOING STORY] In love, hindi mo talaga alam kung sino ang para sayo. Sometimes, the one who is destined for you is the person you never expected to be.