Chapter 8
MITCH’S POV
Nakauwi narin…
Kahit papaano napaglabas ng sama ng loob.
Lahat ng sinabi ko kay Nate, totoo lahat ng yun. Buti nga nakinig yun eh. Tska parang ngayong araw nato hindi siya nakipagtalo sakin ah. Nakakapanibago lang. Hindi talaga ako inangasan ng loko.
Ayokong masyado siyang maging nice sakin. Ayoko ng ganun. Baka kasi…
Baka lang ma--- ano basta ayoko sa taong nice. Okay na sakin yung bwisitin niya ko araw-araw at angasan. Wag lang masyadong nice. Abnormal ko ba? Eh sa ayoko eh. Kasi alam ko kahit gaano pa ka-nice makitungo sayo ang isang tao. Iiwan at iwan ka rin niyan. Ayokong iniiwan ako.
--
Medyo hindi narin kami nagpapansinan pagkatapos nun. 2 months din ata.
Balita ko nakikipagbugbugan nanaman yun. Hindi talaga nagbago. Palaaway parin.
“Nandun daw yung away. Tara.”
“Si Nate nanaman daw.”
“Tara nood tayo friend.”
Bulong-bulungan sa paligid ko. Nandun daw yung away. Mapuntahan nga…
*Boog!
“Tangina mo Ocampo!”
*Boog!
*Boog!
Sino naman yung Ocampo. Nako marami ng tao sa paligid.
Bobo talaga tong Nate na to kahit kelan. Sa school pa ah.
Pag yung dean biglang dumating yari nanaman tong mga to. Bahala na nga.
“HOY! TUMIGIL NGA KAYO DIYAN! BATA? TIGILAN NIYO YAN HAHAMBALUSIN KO KAYONG DALAWA!” tapos pinaghiwalay ko na yung dalawa.
“Sino ka naman? Miss wag ka na mangielam ha.”
“Bobo’t kalahati? Kung mag-aaway kayo dun sa labas ng school. Wag dito sa quadrangle.”
“Hoy Mitch umalis ka dyan sa gitna. Punyeta! Pakielamera pa eh.” Sabi naman netong Nate na to.
Ayaw niyo talaga ako pakinggan ah.
*Boog! *Boog!
Anong ginawa ko?
Sinapak ko sila pareho para tumigil. Nakakaletse na eh. Sinabi ng wag dito. Parang mga gago.
“Para san naman yun miss?”
“Hoy Mitch nakikisali ka pa.”
“MGA GA----“
“OCAMPO, FERRER, CRUZ! In my office NOW!”
Namputcha. Eto na sinasabi ko eh. Nadamay pa tuloy ako.
Sa office ng dean…
“Ferrer, ikaw nanaman? Osige let me hear you. What’s the reason now?” pagtatanong netong dean.
“Eh maam, kasi tong Ocampo nato eh. Nakakabwisit lang.”
“That’s your reason Ferrer? How about you Ocampo?”
“Maam, bibili ako ng soda ng biglang sumingit yan si Ferrer.”
“Syempre nagmamadali ako tanga ka ba?”
BINABASA MO ANG
She's a Mess
Teen Fiction[ON GOING STORY] In love, hindi mo talaga alam kung sino ang para sayo. Sometimes, the one who is destined for you is the person you never expected to be.