Chapter 2 //

109 3 2
                                    

Chapter 2

NATE’S POV

Lumipas ang tatlong araw.

Sabi ni Ashley nakalabas na daw ng ospital si Calvin.

Sabi pa niya aalis na daw dito sa Pinas yun. Buti naman.

“Kuya. May nagpapabigay.”

“Ano naman yan?”

“Sulat malamang.”

Tapos kinuha ko. Kanino naman kaya galing to?

Hindi ako nakakalimot sa ginawa sakin. Babalikan kita, Nate Ralph Ferrer.

Yan lang yung nakasulat dun. Sus. Dami ko na natanggap na ganyan.

Wala na ako paki. Edi bumalik ka. Sino ba yun? Oo nga noh.

Walang nakalagay kung kanino galing. La ko pake.

Naghanda nalang ako para pumasok. Nag-aaral kaya ako. Wala lang sa itsura.

Hahaha.

--

Kakatamad naman dito.

Kakaantok.

*RINGGGG

Yown! Break time.

Habang papunta ako ng cafeteria kasama yung tropa ko. May nakabangga sakin.

Babae.

“Hoy hindi ka ba magsosorry sakin?” tanong ko dun sa babae.

“Bakit ako mag-sosorry sayo?” aba’t pasalamat ka babae ka.

“Kasi nabangga mo ko tanga”

“Tanga ka rin. Mababangga ba kita kung tinitingnan mo yung dinadaanan mo. Psh.”

“Pasalamat ka talaga babae ka, kundi--”

“Kundi ano? Bubugbugin mo ko? Hindi ako natatakot sayo sino ka ba?”

Aba hindi ako kilala nito? First time ko ata maka-encounter ng taong hindi takot sakin at hindi ako kilala.

Biglang may lumapit sakanya…

“Uy girl, tama na yan. Si Nate yan. Pinakakinatatakutan dito sa school. Tara na. uhm.. Nate, pagpasensyahan mo na to, bago kasi siya dito.”

Sabi nung babaeng lumapit sa kanya. Bago pala dito eh.

“Ano?! Yan kinatatakutan? *sabay turo sakin Hahahahahaha! You’ve gotta be kidding me. Hahaha!” sabi nung babaeng nakabangga sakin.

“Tara na nga, nagsasayang lang ako ng oras dito eh. Nagugutom na ko. Hahahaha!!” dagdag pa niya at umalis na.

Kung sino man yung babaeng yun.

You’re challenging me huh?

Well makikilala mo rin ako..

She's a MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon