Chapter 5 //

100 2 0
                                    

Chapter 5

NATE’S POV

Napatingin ako dun sa babae sa may bar part ng club…

Pupuntahan ko na sana ng…

Ng biglang may nakipagsayaw na babae sakin.

Nyeta naman oh!

Wala na. Hindi na ako makakaalis dito.-___-

Hinalikan pa ko. Wala na talaga. Baka umalis na yung babaeng yun sa may bar part. Mukhang malungkot pa naman. Wala na bored na ko dito sa kahalikan ko…

Kaya kumalas na ako.

“Miss, sorry ha. I’ll go ahead first. Thanks” tapos umalis na ako.

Eto na talaga, natanaw ko na yung malungkot na babae. Wala na haharang sakin, sasapakin ko na.

“1 long island iced tea please.” Sabi ko dun sa bartender.

Napatingin ako dun sa malungkot na babae.

O_O

O_O <- itsura naming dalawa.

Paano ba naman kasi siya yung babaeng maangas na nakabangga ko sa school.  Kung mamalasin ka nga naman, kala ko pa naman may makukuha akong babae ngayon.  Nyeta! Sira na ng todo tong lakad na to-___-

“Hoy anong ginagawa mo dito? Kung pwede lang ah, kung pwede lang umalis-alis ka sa tabi ko baka hindi kita matantsa sapakin kita bigla. Utang na loob lang.” sabi niya sa lasing na tono. Lasing na siya. Halata naman eh. Mapagtripan nga.

“I don’t want to. Hindi naman sayo tong club na to eh. And mukhang malungkot ka. Wanna have fun with me?” sabi ko with a flirting voice.

*PAK!

“Manyak mo ulul. Wala ako sa mood ha makipag-away sayo ha. Pasalamat ka sampal lang inabot mo.”

“Honey, huwag ka na pa-hard to get.”

*PAK

“Hindi honey pangalan ko gago! Maganda kaya name ko. Mitch. Ganda diba?” sabay pout. Hahaha! Sabi na lasing na tong babaeng to eh. Pero bwisit lang nakakadalawa na siyang sampal sakin ah.

“Tss. Lasing ka na. Oo ganda nga ng pangalan mo, kabaligtaran ng ugali mo-_- Why do you love to cuss and hit people? Sadista ka ba?”

“……..”

Aba hindi sumagot…

“Hoy kapal talaga ng mukha mo! Bakit mo ko sinukahan? Punyemas naman-_-" Kung minamalas talaga ohhhh!!!! Sinukahan pa ko netong mitch na to. Punyeta!

“Sorry. Nate right? Hahahahahaha sabi sayo umalis ka na dito sa tabi ko eh Hahahaha” baliw na talaga. Ganito ba to kapag nalalasing? Baliw? Bipolar ampota.

“Tss! Mitch… mitch ba talaga pangalan mo o nagkamali lang ng lagay sa birth certificate mo. Dapat hindi M eh. Dapat B. Tss. Kadiri suka mo.” Tapos umalis na ako. Aba’t sinundan ako nung baliw.

“Yah! Where do you think you’re going?”

“Kahit saang malayo sayo. Bwisit ka. You ruined my night here.”

“Kahit saan? Sama ako!!! Hahahaha”

“Baliw. Ayoko kasama ka. Umuwi ka na sainyo. Alis!”

“Ayaw ko umuwi sa amin.” Sabay pout niya. Bakit ba hindi ko to matanggihan eh pangalawang pagkikita pa lang namin ah.

Tapos hinila ko na siya papalabas ng club.

“Sakay”

Pagkasakay na pagkasakay ni Mitch nakatulog na agad siya.

Biglang nag-ring yung cellphone niya. No choice…

“Hello Ate Shaine. Asan ka na? Uwi ka na. Anong oras na oh.”

Ate Shaine? Bakit Shaine? Eh sabi niya Mitch daw pangalan niya ah.

“Hindi to cellphone nung Shaine na sinasabi mo, kay Mitch to.”

“Ha? Sino to? Bakit nasayo cellphone ni ate??”

“Sino muna si Shaine? Tska sino ka rin.”

“Kapatid ako ni ate Shaine. Kaya ate Shaine tawag ko kasi ang tunay niyang pangalan Shaine Mitch Cruz. Ako si Brett Cruz younger brother niya. Sino ka nga?”

“Ah ganun ba? San kayo nakatira? Nandito ate mo sa kotse ko.”

“Hoy!! Ano ginawa mo sa ate ko? Ano ba pangalan mo?”

“Lasing siya, wala ako ginawang masama sa kanya ok? San nga kayo nakatira nyeta naman oh.”

“Sa **** Condominiums.”

Tapos binaba ko na. Eh malapit lang naman pala dito eh.

Hinatid ko na siya. Tinanong ko sa guard kung ano yung unit nila. Sinabi naman. Kaya eto kakatok na ko habang naka-piggy back ride tong Mitch na to sakin.

*Tok tok

Binuksan agad nung Brett.

“Salamat nga pala sa paghatid kay ate. Pasok ka muna.”

Mabait kapatid niya ah. Kabaligtaran niya. Pumasok ako at uminom ng kape. Dinala na ni Brett si Mitch sa kwarto nito. Parang close kami ah. Makatawag ng Brett. Eh pake niyo? Haha.

“Kuya. Ano name mo? Buti naman inuwi mo si ate dito. Pagpasensyahan mo na siya.”

“Ako si Nate. Wala yun. Sige I think I have to go. Thanks sa coffee.”

“Ah. Ikaw pala yung Nate. You’re w-welcome.”

Tapos nung binuksan na niya yung pinto. Pero sinarado ulit. Ano yun?

Tapos tinulak niya ko papasok sa kwarto? Kwarto ni Mitch?

“Hoy Brett! Anong kalokohan to?”

“Kuya Nate. Sorry pero huwag ka muna lalabas please? Paparating si lolo namin. Nakita ko nung binuksan ko yung pinto. Hindi ka talaga pwede lumabas. Papagalitan lalo si ate Shaine. Eexplain ko nalang mamaya pag pumasok na ko sa kwarto ko ha? Diyan ka na muna. I-lock mo yung pinto may susi ako.”

“Hoy Shaine, Brett buksan niyo tong pintuan. Mga batang to.”

Kinakalampog na nung lolo nila yung pinto.

Tapos sinarado ko na yung pinto ng kwarto ni Mitch. Mukhang takot na takot si Brett dun sa lolo nila ah.

Teka? Nagkamali siya ng tulak sakin. diba sabi niya kwarto niya?-_______-

Naupo nalang ako dun sa tabi ng kama ni Mitch. Pinagmasdan ko lang siya.

Maganda naman pala to. Mukhang mabait kapag tulog. Huwag nalang sana gigising.

“Mama papa! Huwag kayong umalis. Please.”

Huwag umalis? Nananaginip siguro to. Pero bakit kaya dalawa lang sila ni Brett dito sa condo nila. Asan kaya mga magulang nila?

Tss. Bakit ko naman iniisip. Paki ko dito sa babaeng to.

Tapos natulog nalang ako dito sa sahig…

 --

“WAAAAAAAAAAAAAAAA!!!”

She's a MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon