Chapter 9
NATE’S POV
Huwag niyo na pansinin yung naging ugali ko nung nagpunta kami sa country club ni Mitch. Forget that okay?
May iba talaga ako nararamdaman dito sa Ocampo na to eh. Parang may mali eh. Kasi kadalasan sa mga nakakasuntukan ko walang balak makipag-ayos sakin eh. Tapos ngayon etong Ocampo na to… Ah basta parang may mali.
--
Natapos na yung parusa nung dean samin kaya back to normal na ulit.
Dito ako ngayon sa tambayan ng tropa.
“Nate ano na nangyari dun sa Ocampo?” –Mico
“Ewan pre eh. Parang may nakikita akong tao sa kanya eh. Ewan.” Sabi ko.
“Weh pare. Sino naman?” –Chard
“Wala wala. Basta cool na kaming dalawa. Si Mitch nagpa-ayos samin kaya hinayaan ko nalang.”
“Mitch nanaman? Hoy ha. Wala pang isang taon nawawala si Megan. Mitch naman ngayon.” –Mico
“Ulul. Syempre wala. Si Mitch parang tropa lang yun. Ugaling ewan yung babaeng yun. Parang lalaki.”
“Pare iniwan ka na ni Megan. Nagpunta sa ibang bansa para tuparin yung pangarap niyang maging model.” –Chard
Tapos tumayo na lang ako at umalis. Mga usapang Megan ayoko eh.
Pauwi na sana ako kaso napadaan ako sa 123 Avenue. Parang bistro yun ganun. Inuman at restau yun eh.
Nakita ko si Mitch. Umiinom nanaman mag-isa. Iba talaga trip netong babaeng to eh.
Nilapitan ko tapos umorder ako ng maiinom.
“Hoy Nate. Ikaw nanaman? Bakit dito ka pa umupo eh marami naman ibang upuan dyan.”
“Eh dito ko gusto eh.”
“Baliw. Ganito nalang. Deal tayo bilis.”
“Ikaw yung baliw eh. Anong deal naman yan?”
“Kung sino unang malasing at bumagsak may parusa. Kahit anong parusa tatanggapin natin. Ano? Deal?”
“Tss. Deal!”
Tapos uminom na kami ng uminom. Parusa ha? Lagot ka saking Mitch ka.
5 bote.
12 bote.
15 bote.
Putcha. Parang umiikot na mundo ko ah.
Pero bakit si Mitch parang wala lang. Bakit parang may stars na sa loob ng 123 Avenue.
Bakit parang ano----
MITCH’S POV
Boom! Bagsak si kupal.
“Cheers.” Tapos chineers ko yung bote ko sa huling bote niya bago siya bumagsak.
“Haha! And the winner is Shaine Mitch Cruz. Cheers people.”
Tapos nag-iwan na ako ng note sa table namin ni Nate.
“From now on you’re my slave, Nate Ferrer.”
At umalis na ako.
--
BINABASA MO ANG
She's a Mess
Teen Fiction[ON GOING STORY] In love, hindi mo talaga alam kung sino ang para sayo. Sometimes, the one who is destined for you is the person you never expected to be.