Chapter 11
BRETT’S POV
This is the day.
Ngayon ko na papasagutin si Ashley Ferrer.
Thanks kay ate at kuya Nate. Sila nag-asikaso dun eh. Walang kaalam-alam si Ashley sa mangyayari ngayon. Hindi namin pinaalam eh. Sa loob ng dalawang linggong pag-aayos nila ate naging mas lalo kaming close ni Ashley. Hinahatid at sinusundo ko kasi siya eh. Mas lalo na naming kilala ang isa’t-isa.
“BRETT! Anak ng! Bilisan mo naman dyan! Lumabas ka na. Malelate tayo nyan baka maghintay na dun yun Ashley mo! Dali naman!”
Hindi pa kasi ako lumalabas ng kwarto eh. Paano ba naman hindi ako mapakali kung ayos na ba tong suot ko, kung okay lang buhok ko, kung--
*BAAAG!
“A-ate.”
Binuksan na ng malakas ni ate yung pinto.
“Ate ka dyan. Okay na yung itsura mo okay? Gwapo ka na Brett. Ang bango mo na. Tara na.”
At umalis na kami. Ginamit na ulit ni ate yung kotse niya. Hindi niya kasi to ginagamit eh. Tamad yan magdrive eh.
“Thank you ate Shaine. Kala ko tatanggihan mo yung request ko eh. Thank you talaga.”
“Tss. Wala yun. Abnormal ka ba? Bakit naman kita tatanggihan? Wag ka na madaldal nagmamaneho ako eh.”
Hahaha. Si ate talaga. Ang sungit. Pero sweet naman yan eh. Hindi lang halata. Ayy wag niyo ko susumbong kay ate baka sapakin din ako.
Yung lugar na pupuntahan namin ngayon nakita ko nay un eh. Pinakita ni ate sa picture.
“Hoy Brett. Nandito na tayo. Alam ko kinakabahan ka. Breathe in breathe out ka muna. Tapos sigaw ka ng WOOOOOOH!”
“Eh wag na. Ikaw nga baliw dyan pabreathe in breathe out ka pa. Haha. Kaya ko na to ate. Salamat ah. Tara baba na tayo.”
Tapos bumaba na kami. Pinuntahan ko sa kotse si Ashley na kasalukuyang nakapiring.
Binulungan naman ako ni kuya Nate bago ko pa mahawakan si Ash.
“Good luck. Take care of her. Aalis na kami ni Mitch.”
“Thank you kuya Nate.”
Tapos umalis na sila.
At tinayo ko na si Ash.
“T-teka. Sino ka? Kuya Nate ikaw ba yan? Grabe ka ha. Pinagbihis mo ko ng formal tapos bago umalis ng bahay piniringan mo na ako. Sabi mo may dinner lang tayo. A-ano ba balak mo? Hindi ko pa birthday!!”
“Shh. It’s me Brett. Calm down Ashley.”
Tapos inalalayan ko siya papunta dun sa table namin.
At nung tinanggal ko yung piring niya…
Niyakap niya ako.
“This is place is beautiful! Ugh, I really love it. Thanks Brett.”
“But you’re more beautiful tonight Ashley. Shall we have our dinner?”
Tapos yun pinaupo ko siya. Gentleman dapat ako sabi ni ate. Sasapakin daw niya ko kung hindi.
Habang kumakain…
Ang awkward. Hahaha. Kinakabahan kasi ako eh. Ano ba yan.
“Brett! Hindi ako sanay ng tahimik. Ano ba. Hahaha!”
“S-sorry Ashley. Kasi naman…”
“Kasi?”
“Wala haha.”
Ng matapos kami kumain niyaya ko na siya tumayo para Makita naming yung view.
[A/N: Play the song on the side--->]
“Ang ganda talaga dito noh Ashley?”
“Oo nga eh. Ang ganda ng view.” At biglang hinangin yung buhok nya. Nyemas, ang ganda talaga niya.
“Ashley.”
“Hmm?”
“Para sayo.” Tapos may inabot akong bouqet of pink flowers. Sabi kasi ni kuya Nate pink flowers daw favorite niya eh.
“T-thank you. Paano mo nalaman na eto favorite ko?”
“Sabi ng kuya mo.”
Tapos inaamoy-amoy niya yung bulaklak. Nakakakaba bawat minuto ah.
“Brett.”
“Bakit Ash?”
“Bakit mo ko dinala dito?”
“Kasi…”
“Kasi?”
“Ashley. Nung una palang kitang nakilala aaminin ko nagustuhan na kita. Hindi ko maialis yung tingin ko sayo. Ang ganda mo kasi. Mas lalo ka pang gumaganda dahil sa ugali mo. Hindi ka katulad nung ibang babaeng maarte kasi mayaman. Hindi ka ganun. You’re so different with the other girls. After our first meeting, gabi-gabi na kitang iniisip. Buti nga nakuha ko number mo at yun nakapagtext text na tayo. Tapos hinahatid at sinusundo kita. Dahil dun mas lalo kitang nakilala. Mas minahal kita. Ashley, you’re a treasure. I know I can’t find anyone better than you cause you’re the best. Hindi ko na papakawalan pa ang pagkakataong to. Hindi na kita papakawalan pa. I will be the most luckiest man in the world if I will have you. So please make me the luckiest man and be my girl Ashley Ferrer.”
“Yes Brett!” tapos niyakap niya ako at hinalikan sa cheeks.
“I’m lucky too ‘cause I have you now. I love you.”
Sumigaw ako dito tutal nasa taas naman kami eh.
“I LOVE YOU ASHLEY FERRER!”
“I LOVE YOU MORE BRETT CRUZ!”
Then we kissed.
[A/N: Sorry kung ngayon lang nakapag-update. Hahahaha!! Sorry kung hindi nakakakilig. Hindi kasi ako marunong sa mga ligawan ek-ek na yan eh. Masyado po bang PBB teens? Hahaha!! kasi naging sila agad. Tapos may kiss pa=))) Pasensya naman. Hirap kasi mag-isip kung paano magiging sila. So yun, may pasok na bukas:( Ingat sa pagpasok!!:) Thank you for reading&&supporting. Update ulit ako sa saturdayyyyy:)]
BINABASA MO ANG
She's a Mess
Teen Fiction[ON GOING STORY] In love, hindi mo talaga alam kung sino ang para sayo. Sometimes, the one who is destined for you is the person you never expected to be.