Chapter 7
NATE’S POV
Ewan ko kung bakit ko siya hinila. Pero kasi nung nagthank you siya at nginitian ako parang lumambot yung puso. Tangna naman gay ng sinasabi ko-___-
Sa totoo lang pagkahila ko sakanya hindi ko alam kung saan siya dadalhin. Sa mall ba? Tss. Eh baka naman mabored lang kami dun. Sa tipo ni Mitch hindi naman mahilig sa shopping katulad ng ibang babae eh. Sa amusement park? Tss. Ayoko naman dun.
Ahh alam ko na…
Pagdating namin dito tulog si Mitch. Ano ba naman tong babaeng to.
No choice ako kaya binuhat ko siya. Inupo ko siya sa isang bench at isinandal sakin. Baka sapakin ako nito pag-gising niya dahil sa ginawa ko.
Gumalaw siya…
Hinahanda ko na yung sarili ko sa sapak niya eh, kaso…
“Nate, ang ganda dito.”
“Ha?”
“Sabi ko ang ganda. Nasan ba tayo? Bakit mo ko dinala dito?”
“Ah, nandito tayo sa country club namin. Si daddy may-ari nito.”
A/N: Country club's picture on the right side>
“Talaga? Hoy ang ganda talaga, nakakagaan ng pakiramdam. Ang hangin pa.”
Sht. Bakit ganun?
Bakit nagagandahan ako sakanya? Nyeta naman oh.
Ang weird ko ngayon. Una, bigla ko siyang hinila. Pangalawa, dinala ko siya dito. Isa palang dinadala ko dito eh. Yung ex ko. Si Megan. Tss. Wag na pala pag-usapan yun. Tas pangatlo, nagandahan ako sakanya. Dapat nga bwisit ako sakanya eh. Sa ibang tao diba maangas ako? Pero yung tunay kong ugali sa pamilya ko lang pinapakita. Bakit parang sa kanya na rin?-___-
Buong araw nag-ikot-ikot lang kami dito.
Gabi na ngayon kaya niyaya ko na siya.
“Hoy uwi na tayo.”
“Ayoko pa dito muna tayo. Lamig oh. Lakas ng hangin. Upo tayo sa grass.”
“Ayoko nga.”
“Sapakin kita dyan eh, upo!”
“Eto na.”
Tapos umupo na ako.
Ang tahimik naman. Hindi na siya umimik nung umupo ako…
To break the silence.
“Hoy Mitch, bakit ayaw mo pa umuwi?”
“H-ha? Eh basta. Ayoko pa.”
“Ah. Nung dun pala ako natulog sa unit niyo. Nananaginip ka ata nun sabi mo ‘mama papa! Huwag kayo umalis. Please.’ Parang bata lang. Isip bata ka pala.”
“A-ano? Sinabi ko yun? Haha. Hanggang sa panaginip ba naman nagmamakaawa ako sakanila?”
“Bakit ayaw mo sila umalis? Asan ba parents mo?”
Tss. Ano ba to. Hindi ko mapigilan na magtanong sakanya.-__-
“Kung ayaw mo sumagot. Okay lang.”
Nung tatayo na sana ako para mapag-isa muna siya…
“Mama at papa ko? Wala na sila. Naghiwalay na. Yun yung dahilan kung bakit kami nakatira sa condo nung kapatid ko. Dati nagmamakaawa ako na huwag nila kaming iwan. Pero matigas sila pareho, gusto nila maghiwalay eh. Bata pa ko nun, wala pa ko masyado maintindihan sa nangyayari. Araw-araw ako gumagawa ng sulat nun para sakanila. Iniwan lang nila kami kay lolo. Pinapadalhan kami ng pera. Pero hindi naman yun yung kailangan namin eh. Kailangan namin ng pamilya. Aanhin namin ni Brett pera nila? Wala naman kaming matatawag na pamilya. Tapos nung lumaki na kami, yun napagdesisyunan na namin na humiwalay na kay lolo kaya humiling kami kay papa ng condo. Binigay naman agad. Ganun lang buhay namin, lahat ng hilingin binibigay. Humiling kaya ako ng pamilya?" tapos parang nagfake laugh siya. "Yun siguro hindi nila mabibigay sakin.” Sinabi niya yan ng nakatingin sa kawalan.
Pagkatapos niya magsalita tumayo na siya.
Sinundan ko lang siya. Sumakay na siya ng kotse…
Sumakay narin ako at umalis na sa lugar na yun.
Nakasandal lang siya at nakapikit…
Yun pala nangyari sa kanya. Kawawa naman pala tong babaeng to. Kaya siguro siya ganyan.
Sa mga narinig ko, parang gusto ko siyang protektahan.
Isa lang napatunayan ko ngayong araw na to.
She may be strong outside, but inside she’s weak. Very weak.
BINABASA MO ANG
She's a Mess
Teen Fiction[ON GOING STORY] In love, hindi mo talaga alam kung sino ang para sayo. Sometimes, the one who is destined for you is the person you never expected to be.