THPH?! 8

8.6K 149 2
                                    

"Do you really think that it's necessary for me to go there?" I asked Diana. We're currently eating inside a fancy restaurant. Her choice so siya magbabayad. Tag-tipid ako ngayon eh. 

"Duh? Of course! You're a freakin' bachelorette. Malay ba natin na andon ang mapapangasawa mo. Alam natin na gustong gusto ka na ni Tita magkaasawa, plus hindi ka lugi sa mga aattend ng party na 'yon! They're all in a corporate world at talagang big time sila like you and I. Don't worry, ang party na iyon ay para sa ating bachelorette and bachelors so walang sabit kahit makipags------" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Whatever, Diana. Hindi na ako yung dating Mellissa. Alam mo 'yan. Kaya, ikaw nalang ang pumunta doon." Like what I've said before, lagi akong nagpaparty at kung sinu-sinong lalaki ang nakakafling ko. Pero nagbago na ako dahil nabored ako. Paulit-ulit nalang. Minsan aalukin ako magpakasal. Agaran. Anong tingin nila sa akin? Marriage is sacred and should be between people who are in love. Hindi yung, nakahalikan mo lang isang gabi, mahal mo na agad. Ano? Labi na ang tumitibok?

"Hindi ko na kailangan ang lalaki." Kinikilig at mahinang sambit ng babaeng ito habang pinapaikot-ikot ang tinidor sa pasta na kinakain niya. 'Wag mong sabihing nag matured na ang babaeng ito?

"Clyde and I are dating." Tinigilan niya ang paglalaro sa pasta at pinatong ang dalawa niyang siko sa table at tinungkod niya sa kamay niya habang nakangiti ng malawak at nakatingin sa akin. Clyde? Who's Clyde?! Hindi niya sa akin na kukwento na nag stick na siya sa isang lalaki.

"Who's Clyde?!" Medyo malakas at seryoso kong tanong

"Clyde Lopez! The hot first son of Mr. Christian Lopez!" Christian Lopez is known because of the Lopez Airlines. They handles the luxurious Airlines here in Asia. Pero, how?

"Three weeks ago when we're celebrating our business success, someone approached me! He's a friend of your Hot teacher, Ellisse! They're friends! Guess what? After we make-out, he gave me his calling card and I gave mine too, of course! Hindi ako naunang tumawag, may pagka Maria Clara pa naman ang best friend mo, Ellise." What the heck. Ang bilis ng pangyayari. Pero knowing this girl. Sino ba namang makakatanggi sa kaniya? She got that perfect S-Shape body plus eleve- shaped abs! She also has nice features. Nice eyebrow, small black eyes, pointed nose and perfect red lips. Matalino pa! Diba? Sinong hindi makakatanggi sa ganiyang babae. Anyway, napairap nalang ako sa sinabi niya.

"Let's go na." Aya niya sa akin at umalis na kami sa restaurant habang naglalakad, napatingin naman ako sa isang Jewelry Botique. Nagflash nanaman sa isip ko ang singsing na suot ni James. Why I have this feeling that it has a pair? Plus the James thingy, feeling ko may kakilala akong James. Ano bang nangyayari sa akin?!

James Alexander Lloyd POV 

["Anak, kailan mo ba kami mabibigyan ng apo?"] Here we go again. My Father's bothering me again about that grandchild thingy. Minsan na nga lang kami mag-usap, through mobile phone pa tapos ganito pa ang pag-uusapan namin.

"Dad, how many grandchildren do you want?" Seryosong tanong ko kay Dad pero biglang sumingit ang nanay ko.

["Bigyan mo muna kami ng in-law! Ano? Anak agad? Ang dali-daling magkaroon ng anak, Emilio! Hanapan mo muna ng bride 'yang anak mo!"] I can only hear her mad voice pero naiimagine ko na naka busangot ang nanay ko habang sinasabi iyan. Nahulaan niya ang nasa isip ko. Madaling makabuntis, mahirap makahanap ng mapapangasawa. Bumuntong hininga ang tatay ko.

["I'm planning to get you married. Arranged Marriage. The eldest daughter of my friend. From Ortega Family. Mellissa Ortega. Napag-usapan na namin ito ni kumpare. Ang bride at groom nalang."] Biglang kumunot noo ko. Wow, arrange marriage. Mapait akong napatawa at tinigil ang ginagawa ko. Kahit 21st century na, kapag nasa business world ka, hindi malabong hindi mo ma encounter ang arrange marriage. Pero syempre, hindi ako papayag. I'm old enough to have my own decision.

"Dad, I don't care if she's from Ortega Family. I don't care if she's extremely rich. I don't want to get married. I will find someone who's worth it and whom I will love and will love me back. Plus, I don't want anyone from Ortega. I know that she's just someone who's spoiled brat." I know I'm being gay right now but I don't really care. Hindi ko kilala ang Ortega na iyan. Ang alam ko lang maimpluwensyang pamilya sila dahil kahit sa ibang bansa ay kilala sila. And the eldest daughter, I don't know her. Sa mga maimpluwensyang pamilya, siya ang mailap.

["I'm giving you one month. Kapag wala ka pa ring naipakikilala sa akin, sa amin ng nanay mo ay tuloy na tuloy ang kasalan."] He didn't bother to hear what I'm going to say because he immediately dropped the call. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa sintido ko. What have I done in my past life to experience this?

Mellissa Ortega's POV

Habang inaayos ko ang mga pinamili namin ni Diana ay narinig ko ang doorbell kaya naman dumiretso ako sa pinto at tiningnan sa maliit na screen kung sino ang posibleng pumunta dito. Hindi naman pwedeng si Diana dahil kasama ko palang siya kanina. Nang binuksan ko ang screen ay nagulat ako dahil si Mommy ito at Si Cris. Binuksan ko na ang pinto.

"Mom, Cris. Napadalaw kayo?" Tanong ko sa kanila at inabot ko ang mga prutas na dala ni mommy.

"I'm just going to say something." Sabi sa akin ni mama at nakita ko naman na nakakunot noo ang mahal kong kapatid.

"Oh? Anong klaseng mukha yan?" Hindi ko maiwasang tanong

"Ewan ko dyan kala mommy and daddy. Kung anu-anong pinagsasasabi tungkol sa'yo." Nakunot naman ang noo ko. Dumiretso kami sa sala since maliit lang naman itong condo ko at mayroon lang isang kwarto, the rest, magkakadugtong na. Napansin ko namangg inilibot ni mommy ang tingin niya

"Bakit ba nag titiis ka sa maliit na condo unit na ito? Pwede ka namang kumuha ng mas malaki. Mas triple ang laki dito." Usal ni mommy. 

"Anyway, kung dito ang gusto mo ay suportado kita. Pero anak, may sasabihin ako. This is your dad's idea. Ayoko ring ipatali ka sa hindi mo kilala at may sarili ka nang pag-iisip. Wag ka sanang mabibigla." I looked at her with confused look. Tiningnan ko rin si Cris na masama pa rin ang tingin sa mommy namin

"You're going to get married soon." WHAT THE EFF? NO WAY. Akala ko ba makapaghihintay pa sila?! Alam kong gustong gusto na nila na mag asawa ako pero hindi naman yung ganito! Yung sapilitan!

"Mom naman! Ano ba 'to?! Akala ko ba naiintindihan niyo ako?!" Hindi ko mapigilang mapagtaasan siya ng boses. Hinawakan naman niya ako sa kamay at niyakap ako ni Cris. With that, medyo kumalma ako

"Anak, wag ka mag alala. Bibigyan ka namin ng palugit. One month. Kailangan mong may maipakilala sa amin. Binigyan na rin ng Lloyd Family ang anak nila ng palugit. Kapag pareho kayong walang maipakilala, tuloy ang kasal." Bullshit. This is nonsense. Pero, Lloyd? Kaapelyido niya si James. Mayaman si James ang alam ko ay isa rin itong business person. Hindi! Hindi siya! Tama, kapangalan niya lang iyon. Hay. Napabuntong hininga nalang ako. May ginawa ba akong kasalanan nong past life ko kaya ako ginaganito?

I think I really need to go at that party.

That Hot Professor is my Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon