"You are cordially invited to attend the Bachelors and Bachelorettes Party. Saturday Night 9:00PM @Étoile Hotel. Your presence is highly appreciated."
I looked at the invitation once again before I entered my car. Napailing ako at tuluyan nang pumasok. I started the engine and go straight to the venue. Habang nagdadrive ay may tumatawag sa cellphone ko. I connected my phone to my earpiece and answered the call.
["Where are you? It's already ten in the Evening. Are you going to attend or what?!"] Based on her voice, I can conclude that her eyes are rolling. Sino 'to? Edi wala nang iba kundi si Diana. Naririnig ko na rin ang maingay na tugtugan sa kabilang linya hudyat na kanina pa nagsisimula ang kasiyahan. Napabuntong hininga nanaman ako. Kundi ko lang kailangan ng lalaki, hindi talaga ako aattend dito. Ugh, pero walang kasiguraduhan na makakahanap ako ng lalaki!
"Malapit na ako. Ten minutes nalang." Sagot ko kay Diana. I'm using my McLaren that's why hindi masyadong matagal ang byahe ko. Hindi ko ginamit ang Chiron ko dahil baka sabihin nanaman ay hiniram ko 'yon.
Sa tingin mo may pinagkaiba ang McLaren? Bulyaw ng isip ko. Hays. Pati ba naman utak ko salunghat sa akin.
["Oh sige. Maraming lalaki dito. Madami kang pagpipilian."] Diana said while laughing. Pinatay ko na kaagad ang tawag at hindi nalang pinansin ang sinabi niya.
Andito na ako sa Venue ng party. Hindi pa man lang ako nakakalabas ng kotse ay kitang kita mo na ang kagandahan ng hotel. Lumabas na ako at binigay ang susi sa chauffeur na nakaabang sa labas.
Pati chauffeur naka suit. Anyway, dumiretso na ako sa hall ng hotel. May mga nakakasabayan ako at hindi sila biro. Halatang-halata na mayayaman sila. Ano pa nga bang aasahan ko sa party na ito?
Syempre puro mayayaman, maimpluwensya, sikat at syempre puro rin kahambugan. Meron rin kayang Oplan: Hanap instant asawa dito? Hay. Iniling ko ang aking ulo sa iniisip ko.
Andito na ako sa harap ng hall. Two doors. Sa tingin ko ay napakalaki ng hall na pinaggaganapan ng party. Ngumiti sa akin ang mga guard na nag-babantay at binuksan na ang pinto.
Napakaganda at gara ng lugar. Kung hindi ako class A na tao ay paniguradong nga-nganga ako sa sobrang laki ng lugar. White and gold ang theme kaya mas lalong naging mukhang party ng mayayaman ito.
Ang mga babae'y magaganda ang suot at ang mga lalaki'y nag gagwapuhan sa mga tuxedo nilang suot. May mga tables at may dance floor sa unahan. May mga crew na naglalakad at may mga dalang alak. Meron namang mini bar sa left side ng hall. Teka, asan na ba si Diana? Kinuha ko ang mumurahing cellphone ko at tinawagan si Diana.
"Diana! Table number what kayo? And facing the dancefloor, which side are you in?" Tanong ko na medyo malakas ang boses dahil hindi masyadong maririnig ang boses ko kung mahina.
["Table four. Left side, malapit sa mini bar! Bilisan mo, andito na rin si Clyde."] Nilagay ko na sa clutch na hawak ko ang cellphone at naglakad patungo sa table. Habang papunta ako doon ay may mga nagha-hi at tumitingin sa gawi ko. I tilted my head at tiningnan ang suot ko. Isang lace light blue long gown na hapit na hapit sa katawan ko. Meaning, kitang kita ang curves ko. Just like Diana, I am also fit. Hindi ko nga sana gusto itong isuot kaso wala na akong time para bumili. Ito ang una kong nakita sa closet ko. Itinali ko rin ang buhok ko at nagtira ng ilang hibla. Nag light make up din ako para naman hindi ako magmukhang katulong dito.
BINABASA MO ANG
That Hot Professor is my Husband?!
Short StoryI'm that only student who doesn't care about the hottie Professor but heck! He's my husband for five years but I really have no idea! Not even one percent!