eto nanaman tong si Drake, tinitingnan nanaman ako, ok lang sanang tinitingnan niya ako kaso ibang klase naman tumingin to.
mas matindi pa siya sa mga nanglalait at nananakit sakin.
alam ko na hindi ako maganda , na napakapangit ko.
pero grabe naman siya
pangit lang naman ako
pero wala naman akong nakakahawang sakit para tingnan niya ng ganyan.
kung makatingin naman kasi sakin
mula ulo hanggang paa.
na parang nandidiri sakin kasi
na parang may nakakadiri akong sakit at nakakahawa, ganon siya tumingin.
araw araw nalang
hindi lang pala, halos lahat ng oras ng magkaka lapit o mapapaharap siya sakin, titingnan niya ako mulo ulo hanggang paa.
wala naman akong magawa, hindi ko naman siya masuway.
wala akong lakas ng loob na gawin yon.
atsaka kapag ginawa ko yun eh siguradong lalo pa akong pahihirapan at kukutyain ng mga estudiyante dito.
kasi sikat siya, mayaman, gwapo, matalino at maraming ngakakagustong babae, at pati binabae
kaya eto ako
walang magawa
hinahayaan ko nalang siya tuwing makikita ko siyang tinitingnan ako ng ganon.
kaya ang magagawa ko nalang ay yumuko at umalis sa harap niya ng mabilis.
kaya eto nanaman ako, napayuko nanaman ako ng ulo para hindi makita ang tingin na yun sakin, baka lalo akong pandirihan nito pagnakita ang mukha ko.
tumalikod nalang ako sa kanya habang nakayuko at naglakad ng mabilis para mawala na ako sa harap niya.
naiiyak ako kapag ginagawa niya yon, kahit na lagi niyang ginagawa yon hindi ako masanay sanay.
ewan ko bakit ko nafefeel to na para akong nasasaktan.
ganon parin ang nangyayari araw araw, pinahihirapan at kinukutya parin ako ng mga studiyante dito pati ba naman siya? hindi na sila naawa sakin.
sabagay, hindi ko naman kailangan ng tulong nila, malapit narin matapos ang pasukan at nandiyan naman si Nathan para tulungan ako.
kahit na ganito ang itsura ko naging kaibigan ko parin siya, akala ko nga nung una gaya din siya ng iba na pinahihirapan ako, nagkamali ako, hindi pala...
kasi naman, wala sa itsura niya na makipagkaibigan sa isang katulad ko.
hindi katulad ni Nathan si Drake,
kahit na pareho silang mayaman, matalino, popular, gwapo at gusto ng lahat dito
malayo sila sa isat isa.
Tuesday, May 29, 2012
4:57 PM
BINABASA MO ANG
Ano Tinitingin Tingin Mo? (Short Story) - Complete
Teen FictionSi Hazel, isang babaeng walang marka ng kagandahan? yun ang pagkakaalam niya. Isang popular na nerd sa kanilang paaralan dahil sa siya ang natatanging nerd na inaapi at kinukutya sa kanilang paaral dahil sa kanyang wangis, pero sa school lang at sa...