CHAPTER 5
Napaaga ang pasok ni Hazel dahil nagkamali siya sa pag-set ng alarm sa kanyang alarm clock.
Napaga tuloy siya ng isang oras sa pagpasok.
Maya maya habang naglalakad siya sa may hallway papasok ng classroom nila, may nakita siyang dalawang lalaking lumabas sa classroom.
Magkasamang nagpunta ang dalawa sa kung saan.
‘bakit naman kaya magkasama ang dalawang iyon?’ tanong niya sa sarili niya.
Sinundan niya ang dalawa at nakitang nagpunta ang mga ito sa garden ng school nila.
Pupuntahan at babatiin na sana niya ang dalawa ng marinig niyang magsalita ang isa sa mga to at narinig niya ang pangalan niya na mukhang siya ang pinaguusapan ng mga ito kaya naman nagtago siya sa mga halaman.
‘’gusto lang sana kitang tanungin tungkol kay Princess’’ basag ni Nathan sa katahimikan.
‘sinabi ko ng Hazel ang itawag mo sa akin eh Nathan’
‘’ano naman ang tungkol kay Hazel’’ tanong naman ni Drake
‘ano naman ang pag-uusapan nila tungkol sa akin’isip isip ni Hazel habang naka kunot ang noo at nakatago sa may damuhan.
88-SOMEONE’S POV-88
Habang nakatago si Hazel sa may halaman ay nakikinig siya sa pinaguusapan ng dalawa
Nakatayo lang ang dalawang lalaki at nakatingin ng diretso sa isat isa
‘’gusto ko lang malaman kung ano sa iyo si Princess’’ tanong ni Nathan kay Drake.
Mediyo nagulat si Drake sa tanong na iyon ni Nathan, hindi niya inaasahang itatanong nito iyon sa kanya.
‘bakit naman nito tinatanong kung ano sa akin si Hazel, bakit gusto niyang malaman?’ tanong ni Drake sa sarili.
Mababakas ang pagkagulat sa mukha ni Drake sa tanong ni Nathan kaya naman parang gusto niyang mapangiti dahil ngayon niya lang nakita ang ganon reaksiyon mula dito, pero pinigilan niya dahil seryoso ang pinaguusapan nila.
Si Hazel naman ay nagulat din sa tanong na iyon ni Nathan kay Drake.
‘ano bang nasa isip nitong si Nathan at itinatanong niya ang mga ganong bagay kay Drake?’
''...''
‘’bakit hindi ka sumagot ha Drake?’’
Nanatiling hindi nagsasalita si Drake pero ilang sigundo lang ang lumipas ay nagsalita na rin ito ‘’bakit mo naman gustong malaman’’ balik tanong niya dito.
Ngumiti naman si Nathan ‘’ bakit hindi mo nalang sagutin?’’
‘’sabihin mo muna kung bakit’’
‘’gusto ko lang makasiguro sa hinala ko’’ sagot naman niya.
‘hinala?’ tanong ni Drake at Hazel sa sarili.
Umayos ng upo si Hazel kung saan siya nagtatago.
Ipinasok naman ni Drake ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang pantalon.
‘’at ano naman iyon?’’ tanong ni Drake.
‘’gusto mong malaman?’’ tiningnan lang ito ni Drake pero hindi sumagot ‘’sagutin mo muna ang tanong ko’’
BINABASA MO ANG
Ano Tinitingin Tingin Mo? (Short Story) - Complete
Teen FictionSi Hazel, isang babaeng walang marka ng kagandahan? yun ang pagkakaalam niya. Isang popular na nerd sa kanilang paaralan dahil sa siya ang natatanging nerd na inaapi at kinukutya sa kanilang paaral dahil sa kanyang wangis, pero sa school lang at sa...