CHAPTER 10
Hindi makapaniwala si Hazel sa mga sinabi ni Drake.
Inamin nito sa kanya na mahal siya nito. Kung kalian pa siya minahal nito. Kung ano ang mga ginagawa nito na pagtulong sa kanya. Ang pagseselos nito. At kung gaano nito kayang patunayan ang pagmamahal nito sa kanya.
Hindi niya masasabing nag-loloko o nagtritrip lang ito dahil sa nakikita niyang sinseridad sa mga mata nito.
Habang sinasabi nito ang mga bagay na iyon at nakatingin ito ng diretso sa mga mata niya.
Ngayon niya lang nakita at tinignan ng mabuti ang mga mata nito dahil lagi nga naman siyang nakayuko at laging umiiwas dito.
Alam niyang gwapo ito pero ngayon niya lang napagmasdan ng mabuti ang mukha nito. Lalo na ang mata nito. Parang hindi kayang magsinungaling ng taong nag mamay-ari nito.
Nagkamali siya sa ispekulasiyon na sa pagtingin nito sa kanya mula uo hanggang paa ay negative. Yun pala, kaya lang siya tinitignan ng ganoon ay dahil sinusuri lang nito kung maayos at kung wala ba siyang natatamong gasgas sa mga pagbu-bully ng mga studiyante.
Pinagisipan niya ito ng masama habang ito ay nagaalala sa kanya.
At sa nakikita niya sa mga mata nito. Masasabi niya na mahal nga siya nito.
Totoong mahal siya nito.
Mahal siya nito…
At mahal niya din ito…
Hindi niya na mapigilan ang luha na namumuo sa mga mata niya at tumulo na iyon.
Mahal siya ng taong mahal niya.
Mahal din siya nito.
‘’mahali din naman kita Drake…’’ sabi niya habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mata.
Sobrang saya niya lang kasi.
Napaka-sarap na marinig na mahal ka ng taong mahal mo. Wala siyang mapaglagyan ng sobra-sobrang kaligayahan na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Hinihiling niya na sana ay hindi na matapos ang mga oras na iyon, na sana laging ganon lagi nalang masaya at walang sakit na nararamdaman.
Nakita niyang nagulat ito sa pag-amin niya dito.
Maya maya naman ay nawala na ang pagka-gulat na mababakas sa mukha nito, napalitan ng umaapaw na kaligayahan. Makikita sa mga mata nito na sobrang saya nito.
BINABASA MO ANG
Ano Tinitingin Tingin Mo? (Short Story) - Complete
Genç KurguSi Hazel, isang babaeng walang marka ng kagandahan? yun ang pagkakaalam niya. Isang popular na nerd sa kanilang paaralan dahil sa siya ang natatanging nerd na inaapi at kinukutya sa kanilang paaral dahil sa kanyang wangis, pero sa school lang at sa...