CHAPTER 6
Hindi naman makapaniwala si Hazel sa narinig na may gusto pala si Drake sa kanya.
The way siya itrato nito , walang magaakalang may gusto ito sa kanya pero bakit si Nathan nalaman nito.
Hindi parin siya makapaniwala.
Iniisip niya parin ang narinig ng may maramdaman siya kumagat sa kamay niya at nagsunod sunod iyon.
‘’aray aray aray!!’’ daing niya.
Hindi niya alam na marami palang langgam ang lugar kung saan siya nagtago at ngayon ay kinagat siya ng mga ito.
Ngayon tuloy ay napalabas siya sa pinagtataguan ng wala sa oras.
Nakalimutan niya na si Drake ay nandoon parin at hindi pa umaalis dahil sa sobrang kati ng kinagat sa kangya ng mga alanggam.
Habang kinakati ang kamay kung saan kinagat siya ng langgam at nakayuko siya.
‘’Hazel…’’
Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses.
Mahina lang ito pero sapat para marinig niya.
She stiff.
Unti unti niyang itinaas ang ulo at tinignan ang may ari ng boses na iyon an tumawag sa kanya.
At hindi nga siya ngakamali. Tama ang hinala niya na si Drake ang tumawag sa pangalan niya.
*
Nagulat nalang si Drake ng makitang lumabas mula sa halaman si Hazel.
‘’aray aray aray!’’
Sabi nito habang kinakamot ang kamay nito na namumula.
Hindi siya makapaniwala na nadoon ito.
Kanina pa kaya ito doon?
Narinig kaya nito ang mga pinagusapan nila ni Nathan kanina?
Malamang na narinig nito ang pinagusapan nila kanina kung kanina pa ito doon.
At sa tingin niya ay kanina pa nga ito doon.
Bakit hindi niya napansin?
Paano nalang kung narinig talaga nito ang mga pinagusapan nila Nathan kaniina.
‘’Hazel…’’ pabulong na sabi niya, pero mukhang narinig parin nito ang pagbigkas niya sa pangalan nito dahil unti unting tumaas ang ulo nito at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
Ano Tinitingin Tingin Mo? (Short Story) - Complete
أدب المراهقينSi Hazel, isang babaeng walang marka ng kagandahan? yun ang pagkakaalam niya. Isang popular na nerd sa kanilang paaralan dahil sa siya ang natatanging nerd na inaapi at kinukutya sa kanilang paaral dahil sa kanyang wangis, pero sa school lang at sa...