Chapter 2

460 7 2
                                    

CHAPTER 2

‘’OK CLASS YOU MAY GO NOW’’ sabi ng teacher naming

‘’THANK YOU MAM’’ sabi naman namin

Nagsilabasan na ibang classmate namin

Ako naman inaayos ko ang gamit ko

Narandaman kong may lumapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya

Si Nathan

‘’Princess, hindi muna ako sasabay sayo ngayon ha? May pupuntahan kasi ako’’ sabi niya sakin

‘’ah ganon ba? Ok lang sige, ingat nalang’’ sabi ko sa kanya at nag smile ^____^

‘’ oh sige, ikaw din ingat ka’’ sabi niya tapos tinalikuran na ako

Kaso bigla naman siyang humarap sakin

‘’oh?’’ tanong ko sa kanya

‘’sama ka nalang kaya sakin Princess’’ yaya niya sakin

‘’nah, wag na, don’t worry, mag-iingat nalang ako’’ sabi ko sabay ngiti nanaman

Alam ko naman na nag-aalala lang siya sakin kaya gusto niya akong sumama sa kanya

‘’sigurado ka ba Princess?’’ paninigurado niya

‘’oo naman, wag ka nang mag-alala, dito lang naman ako, hindi ako lalabas, kaya sige na, alis kana, sige ka baka malate ka sa pupuntahan mo’’ pananakot ko sa kanya

‘’sure?’’ tanong niya nanaman sakin, talaga tong si Nathan ang kulit kahit kalian

‘’sure na sure’’ sagot ko naman

Nagbuntong hininga siya

‘’sige ikaw bahala, sige alis na ako Princess, ingat ha’’ sabi niya, tapos nagsmile at nagwave ng babay

Binalikan ko narin yung iaayos ko

Pagkatapos umupo nalang ako at naghalumbaba

Wala naman nang-aapi sa akin sa mga classmate ko, mas mahalaga sa kanila ang pag-aaral kaysa sa mga ganoon bagay

Pero minsan, hindi maiiwas, napagtritripan nila ako, pero hindi naman sa masamang bagay, nakakasama ko rin sila minsan at nakakabiruan, ok kami sa room

Sa labas lang talaga hindi

‘’Hazel, una na kami sa canteen ha?’’ sabi nung isa kong mate

‘’sige’’ sabi ko sabay smile

Nakaupo lang ako at walang ginagawa

Ayaw ko sanang lumabas baka kasi ano nanaman gawin nila sakin sa labas

Kaso nagugutom na ako

Lalabas na nga ako, mag-iingat nalang ako

Tumayo na ako at lumabas ng room

Dahil magkaiba ang school building at ang canteen mediyo malayo ang lalakarin ko

Malayo layo kasi yung canteen sa school building namin

Na sa may second floor ang room namin, special section, matatalino lang nag nasa section namin

Sa second floor walang ibang section maliban sa special section

Limang room at sa magkabilang panig ng floor may C.R , mga S.S lang pwedeng gumamit at Teeacher at sa left side, yung sa may left side ng C.R may hagdan, doon dumadaan yung tataas at bababa, kaso may harang, may gate, yung harang, parang yung harang sa pero o kaya yung harang na bintana ganoon siya, mga taga S.S lang pwedeng pumasok, o kaya mga inutusan.

Nasa may malapit na ako ng Canteen ng may lumapit saking tatlong babae

Sila Bea nanaman

‘’OH! Nandito ka pala ugly duckling nerd!’’

Pwede bang mag-ala Vice Ganda?

Wag na baka ano nanaman gawin sakin ng mga to

Manahimik nalang ako

‘’pwede bang tumabi tabi ka? Kita mo oh, nakaharang ka sa daan, ang ganda ganda ng view ng school sinisira mo’’ sabi naman ni Bea

Magsasalita na sana si Anne ng biglang may nag-salita sa likod ko

‘’mga mahihina ang utak, pwede bang tumabi tabi kayo a daan, ay hindi pala, tumabi kayo sa daan, kasi kung hindi niyo lang naman napapansin nakaharang na kayo sa daan at kung hindi niyo rin napapansin na-iinterrupt niyo na yung iba pang nag-klaklase, nakakahiya naman sa inyo, ang lalakas kasi ng mga boses niyo, ang iingay niyo, ang papangit na nga ng mga boses niyo ang papangit pa ng mag lumalas sa mga bibig niyo, kaya tumabi kayo at itikom niyo ang mga bibig niyo, excuse’’ mahabang sabi ni Drake, halata ang pagkainis niya sa bosees niya, bakit kaya?

Tumingin naman siya sakin at kaagad naman akong napayuko

Tapos umalis na siya papunta sa Canteen

Nakita ko naman na natahimik yung tatlo at umalis nalang bigla

Nabigla naman ako sa mga sinabi niya

Ngayon ko lang siya narinig na mag-salita ng ganoon kila Bea

Usually kasi kapag ganon parang nakikisabay pa siya sa kanila

Katulad kanina, nung sinabi nila na baka masira araw niya eh sinabi niya, sira na daw ang araw niya

Diba ibig sabihin non nasira na araw niya ng dahil sakin?

Tapos ngayon, parang… parang lang naman, parang pinagtatanggol niya pa ako

Ay hindi!

Hindi hindi hindi!

Imposible…

Imposibleng mangyari yon

Oo nga naman kasi nakaharang sila sa daan at ang iingay nila

Pero para naman mainis siya ng ganon….

Ewan.

Pero kasi iba eh……

Iba talaga

Parang inis na inis talaga siya

Parang inis na inis dahil sa mga pinagsasasabi nila Bea sakin…

Pero pano mangyayari yon?

Sandali……

Parang may napansin ako sa mga nangyayari noon at nagyon…

Teka!

At may napansin ako ngayon…

Tumingin siya sakin

 Ano nanaman kaya ang tinitingin tingin nito

Pero nakita kong tingin niya sakin...

Iba ngayon

Hindi yung tingin na nakikita ko sa kanya dati

Umiwas siya ng tingin na parang nahihiya

Yung parang nahiya siya dahil nakita siya ng crush niya na nakatingin sa kanya

Ano nangyari doon???

Ano Tinitingin Tingin Mo? (Short Story) - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon