CHAPTER 9
‘’mahal kita Hazel… Matagal na’’
Napatulala si Hazel sa sinabi na iyon ni Drake. Napakurapkurap siya ng mata.
Yumuko siya at tumingin sa may candle at tumikhim.
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya,
Para siyang nasa may ulap, napakagaan ng pakiramdam niya. Wala siyang ibang naririnig maliban sa tibok ng puso niya.
‘mahal kita Hazel… Matagal na’
‘mahal kita Hazel… Matagal na’
‘mahal kita Hazel… Matagal na’
Paulit ulit na parang sirang plaka sa isip niya iyon.
Halu-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang mangingibabaw.
Ang alam niya lang ay sobrang saya niya nung mga oras na iyon.
Hindi niya rin maitago na kinikilig siya.
Dito niya lang nararamdaman ang ganon pakiramdam. Sa tuwing lalapit ito sa kanya o kaya ay tuwing parang tinutulungan siya nito.
Hindi niya na mapigilan ang ngumiti.
Nakangiti lang siya at nararamdaman niya na angiinit ang kanyang mukha.
*
Huminga ng malalim si Drake bago niya sabihin ang mga salita iyon.
‘’mahal kita Hazel… Matagal na’’
Matagal na nagkatitigan lang sila.
Siya naman ay hindi alam ang dapat na maramdaman. Ang alam niya lang sobrang bilis ng tibok ng puso niya sa sobrang kaba.
Hindi niya alam kung anong iniisip nito. Basta lang sila nakatingin sa isat isa.
Maya maya ay kumurap kurap ito. Saka bigla yumuko at tumikhim.
Hindi niya alam ang susunod na sasabihin niya. Napipipi siya. Dapat bago niya sinabi iyon ay nag-isip muna siya ng dapat ng susunod na sasabihin kung sakaling irejet siya nito.
Pero mas lalong hindi niya alam ang gagawin dahil hindi man lang umiimik ito.
Maya maya ay nakita naman niyang nakangiti ito at mukha namumula.
‘Drake magisip ka kung anong susunod na sasabihin mo, ikaw ang lalaki kaya dapat ikaw ang unang kumilos kahit na sinabi sayo ni Nathan na sa tingin niya ay may gusto din si Hazel sayo. Maaring naga-kakamali lang siya kaya mag-isip ka ng susunod na gagawin mo’ sabi niya sa sarili.
Pero hindi siya makapag-isip ng matino. Ang mukha lang nito at ang mabilis ng tibok ng puso niya ang nai-isip niya.
‘ano kaba Drake, magsalita ka, mag-isip ka ng sasabihin’
Sabi nila ay matalino siya pero nasan na ang sinasabi nilang talino niya ngayon, ni hindi niya alam ang gagawin niya at hindi siya makapagisip.
Tumikhim siya saka naman napatingin muli sa kanya si Hazel.
‘’mahal kita Hazel, at sana maniwala ka’’ sabi niya at tumingin ng diretso sa mga mata nito ‘’una palang kitang makita sa school noong orientation may naramdaman na ako sayo. Nuong una ay napapansin lang kita dahil sa iba ang nararamdaman ko sa tuwing makikita kita. Pero ng tumagal narealize ko na gusto pala kita kaya ganun ang nararamdaman ko sa tuwing mararamdaman ko na nandiyan ka o kaya ay makikita ka. Habang tumatagal hindi ko namamalayan na lumalalim na pala ang nararamdaman ko sayo, hanggang sa mahalin na nga kita’’ nadiin niya ang labi niya ‘’Sa tuwing nakikita kong inaapi ka ng mga studiyante sa school, gusto kong ilayo ka sa kanila at itapos sila sa kung saan kung saan pag-dudusahan nila ang ginawa nila sa iyo, pero sa tuwing lalapit naman ako sa iyo para tulungan ka sobrang lumalayo ka naman sa akin’’ nakaramdam naman siya ng lungkot.
‘’Hindi ko alam kung bakit ka lumalayo sa akin pero hinayaan ko nalang na layuan mo ako, kasi sa tingin ko ganon ka talaga kaya hinayaan ko nalang. Na hindi ka lapitin at mas gusto mong nagiisa. Nagkasiya nalang ako sa pagtingin sa iyo sa malayo at pagtulong sayo ng hindi mo nalalaman. Lagi kong tinitignan kung maayos ka dahil ayaw na ayaw kong nakikitang nasasaktan o nasusugatan ka. Mula ulo hanggang paa, gusto ko maayos at walang kahit na isang galos sayo.’’ Inalis niya muna ang tingin sandal sa mga mata nito para uminon ng tubig.
Sobrang kinakabahans siya. Nanunuyo ang lalamunan niya.
Huminga siya ng malalim saka tumingin nanaman sa magagandang mata nito at nag-umpisang mag-salitang muli.
‘’ayos lang sa akin na hindi muna sana umamin sayo… pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtangkang umamin sa iyo dahil sa tuwing nakikita kong magkasama kayo ni Nathan naiinis ako…’’ sandaling nag-iwas siya ng tingin ‘’nagseselos ako…’’ tumigil muna siya sandali at katulad kanina huminga siya ng malalim saka muling tumingin at mag-salita ‘’naiinggit ako sa kanya dahil siya lagi mong kasama at lagi kang nakangiti pagkasama siya, pero pag ako sa tuwing lalapit palang ako sayo sobrang pagiwas na ang ginagawa mo. Kaya pagka-ganon nasasaktan ako. ‘’
‘’nasasaktan ako, gusto ko, lagi mo akong kasama, ako yung kakulitan, kakwentuhan. Kabiruan. kasa kasama, gusto ko ring alagaan ka, gusto ko ako lang ang lalaking nag-aalaga sa iyo, ang lalaking kakailanganin mo, gusto kong kapag may kailangan ka ako ang hahanapin mo, I want you to need me. Gusto ko sa akin lahat ng atensyon mo. Kasi Hazel mahal na mahal kita.’’
‘’hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo kung gaano kita kamahal at kung ano ang lahat ng kaya kong gawin para sa iyo, kaya kong patunayan kung gaano kita kamahal kung hahayaan mo lang ako na patunayan sa iyo kung gaano kita kamahal’’
‘’…’’
‘’…’’
‘’…’’
‘’…’’
‘’mahal din naman kita Drake…’’
BINABASA MO ANG
Ano Tinitingin Tingin Mo? (Short Story) - Complete
Teen FictionSi Hazel, isang babaeng walang marka ng kagandahan? yun ang pagkakaalam niya. Isang popular na nerd sa kanilang paaralan dahil sa siya ang natatanging nerd na inaapi at kinukutya sa kanilang paaral dahil sa kanyang wangis, pero sa school lang at sa...