2017/10/23 9:01 AM
Iwasan man ay binabalikan ko ang tayo mahal,
Mga ala-alang lumipas at ang pagmamahal na naparam.
Ang bigat at ang hirap ng walang ikaw.
Paano ba makalimot sa nararamdaman?
Gusto ko nang mamanhid na lang.Kung bibigyan ng pagkakataon bumalik sa nakaraan,
Saan ba ako dapat matagpuan?
Sa una na hindi mo pa ako nasasaktan?
Sa gitna para maisalba pa ang ako at ikaw?
O sa dulo para hindi kita binitiwan?
Kahit saan ako matagpuan tayo lang hanggang dulo ang gusto kong maabutan.Pero parang tadhana na ang nagsasabing huminto na ang dapat,
Tama na't palayain na ang mga nakalipas,
Tantanan na ang kahapon at harapin ang bukas,
Ipanalangin na lang na sumaya ka sa ibang tatanggap.
Damdamin sa pagluha at pagsusulat nalang ibabagsak.Pero sa isang sulyap mo'y maaaring bumalik ang lahat,
Siguro umaasa pa rin ako ang nadarama natin ay parehas,
Parehas na sa puso'y parang may sumasaksak,
Parehas na ang gusto ikaw ay makayakap.
Sana hanggang hindi lang ito puro pag-asa at sa totoo ito rin ay nagaganap.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Mei #2
PoetryHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.