2017/10/31 9:14 PM
Ang bigat iwan ka ng tuluyan,
Ang hirap puso ko'y hindi pagbigyan,
Ang sakit bumitaw sa'yo aking hirang,
Hanggang kailan ba ito paninindigan?Sa paglapit mo at aking paglayo,
Dapat ba ako nalang ay huminto?
Hintayin nalang kita makalapit sa aking puso,
Pakinggan ka na muling hindi na mabibigo?Pero pasensya na kaya ko na mag-isa,
Kakayanin h'wag lang lalong magdusa,
Maintindihan mo sana ito na yata ang tinadhana,
Ang hindi ka magkasamang tumanda.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Mei #2
PoetryHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.