2017/10/28 10:51 PM
Ngayon ay minamasdan ko ang buwan,
Kasabay ng pagbabalik sa ating nakaraan,
Kung paano tayo nagtagpo hanggang sa nagsuyuan.
Pangakong walang hanggan nagkaroon ng katapusan.Inaamin ko hindi lang ikaw ang may kasalanan,
Inaamin ko na ako rin ay may kamalian,
Pasensya na sa sobrang kong pagmamahal,
Pasensya na kung aalis ako ng wala nang balikan.Oo, ang pakawalan ka'y isang pagsubok,
Sakit sa puso ko'y patuloy tumuturok,
Sapagkat minamahal kita ng lubos,
Ngunit sa pagsasama natin ako ay iyong inubos.Marahil hindi tayo ang tinadhana,
Kaya ngayon mga mata'y lumuluha,
Nagdarasal pagdurusa na'y mawala,
Isama na ang damdaming para lang pala sa wala.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Mei #2
PuisiHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.