2017/11/01 9:08 PM
Hahayaan nalang ba puso'y masaktan?
Sa paglapit mo'y yayakap nalang?
Sa muling pagtitig ngiti na ba ang lilitaw?
Kaya ko na bang itakwil ang nagdaan?Sa twing nagtatama kasi ang ating mga mata,
Hinihila ako nito pabalik sa aking mga nabasa,
Ang mga harutan nyo sinta!
Mga mensahe hindi ko na nais maalala pa!Hiling sana'y h'wag ka nang lumapit,
Ipagpatuloy mo na ang gawain mong hindi kaibig-ibig,
Wala ng tayo kaya ngayon ay nilalamig,
Tanggap ko na hindi ikaw ang lalaking nasa panaginip.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Mei #2
PoetryHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.