2017/10/24 11:45 PM
Oo, iniisip pa rin kita mahal,
Sa puso'y may kirot pa rin ng nakaraan,
Mga alaala ay paulit-ulit lang binabalikan,
Kahit ang kapalit nito'y lalong kalungkutan.Bakit ba ang hirap nalimutin ang ako at ikaw?
Bakit nangyari ito sa atin mahal?
Bakit mo nagawa ako'y iwan?
Bakit ayaw pa rin kitang bitiwan?Naganap siguro ang lahat dahil ang pag-ibig ay 'di tunay,
Pagsinta mo'y isa lamang tanso nawawalan ng kulay,
Sayang lang ang wagas kong damdamin sa iba nalang sana ibinigay.
Pero kahit ganun puso ko'y binigyan mo pa rin ng ilaw.Salamat sa paghinto sa aking buhay,
Salamat binigyan mo ako ng pagkakataon magmahal nang tunay.
Patawad naniwala ako tayo na'y habang-buhay,
Patawad hindi ko kaagad nalaman puso mo'y hindi ako ang nilalaman.Kaya ayoko nang umasa na tayo'y may bukas,
Dahil sa bawat pag-asa ay luha lang ang lumalabas,
Lalayo na ako at hahanap ng tapat,
Tapat na sinta sa puso'y bibihag.Oo, paalam na hindi ko na kailangan sabihin nang harapan,
Hindi nalang magpaparamdam,
Hindi na tatambay sa atin tagpuan,
Bibitiw na sa damdamin na ika'y aking mahal.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Mei #2
PoetryHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.