2017/10/25 11:46 PM
Paulit-ulit nagtatanong ng bakit.
Bakit nagawa mo puso ko'y bigyan ng sakit?
Kung tunay ang pagsinta bakit nawalan ng tamis?
Bakit hindi ako naging sapat para ika'y sa akin lang tumitig?Kulang, kulang ba ang init,
Kaya ngayon ay tumatangis?
O nalason lang ako sa mga pangakong iyong binanggit?
Mga salitang sa dibdib ay gumuhit.Ngayon paano ba kita mapapatawad?
Paano ba muling magtiwala sa isang huwad?
Paano lilimutin ang hapdi gawa ng pag-ibig na 'di wagas?
Paano pagbibigyan kung ang pagsisisi ay hindi ko sa'yo mabakas?Kailangan ba ako pa'y lumapit?
Gusto mo ba ako'y yumapos sa'yo makisig?
Tatanggapin mo ba na ang yakap ko'y malamig?
Makakaya mo ba na ibulong ko sa'yo na may iba na akong nais?
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Mei #2
PoetryHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.