2017/10/30 11:29 PM
Dati-rati takot ka ako'y masugatan,
Hindi mo nais makitang luhaan,
Gagawin ang lahat h'wag ko lang iwan.
Bakit ngayon puso ko'y pinagtaksilan?Iniwan nagdurusa sa kalungkutan,
Dibdib ay lipos ng agam-agam.
Nagtatanong hanggang kailan mo lang ba minahal?
Kung wala ng pag-ibig bakit hindi ako sinabihan?Mas masakit kasi
maramdaman ika'y nasa iba,
Kaysa makita mismo ng aking mga mata,
Ang hiling sana sinabi mo itigil na ang pagsinta,
Para sa walang hanggan tayo ako'y hindi na umasa pa.Unti-unti na palang naglalaho ang tayo sa iyong puso't isipan,
Ang tanga ko hindi ito naramdaman,
Sa sobrang paniniwala na ako at ikaw lang,
Tayong dalawa lang ang nagmamahalan.Ngunit may iba ka na palang kasiyahan,
Ang dati mong sinta na ika'y noon iniwan,
Kaya naman minahal ako ng pilit at biglaan,
Sana kahit sa huling pagkakataon nakatanggap ako ng katotohanan.Nakakatakot tuloy muling magmahal,
Baka muli na naman maging hangal,
Ngunit alam ko darating din ang lalaking may pag-ibig na tunay,
Ang sinta na kailanman nang wala ako'y 'di masasanay.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Mei #2
PoesíaHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.