Chapter 8

7.1K 116 1
                                    



NANG LUMO ang Ginang ng hindi niya nakita ang anak.

"Marami pa naman araw, malalaman ko rin,"niliko niya ang kaniyang kotse pabalik sa bahay nila.

"Larry,"sabay nguso ni Ben sa nakita.

Kay lapad ng ngiti ni Larry ng makita ang dalaga kaagad niyang sinalubong ito.

Pagkalapit si Larry dalaga niyakap ito ng mahigpit at bumulong."I love you, Kiesha!"

Abot hanggang tenga ang ngiti Kiesha na yumakap din kay Larry."I love you too, may dala akong pagkain."

"Bakit kapa nag-abala, Kiesha?"

"Wala lang, at gusto ko lang."

"Tara sa kubo."

Nakatingin lang naman si Ben sa kanila tinuloy ang pag tra-trabaho hinayaan ang dalawa.

"Ben, halika!"tawag ni Larry.

Kumaway si Ben na sila na lang.

Masayang nagsalo ang dalawa sa almusal marami pang tira binigay ni Kiesha kay Ben ito pinag saluhan nila ng mga kasama.

"Ang bait pala niya ano, Ben?"

"Siyempre nag mamahal, ang pag-ibig binabago ka nito, si Kiesha. Umiibig kay Larry, kaya hayan mabait na."

Sa paglipas ng mga araw naging masaya ang bawat sandali ng kanilang pagkikita kahit ito ay patago at walang nakakaalam sa kanilang relasyon.

Araw-araw si Kiesha sa talyer ito ang kanilang tagpuan.

"Salamat, Kiesha."

"Para saan naman iyan, ha?"

LPara sa pagmamahal mo sa akin siyempre, hindi ko kasi akalain na magmamahal ka sa isang tulad ko."

"Larry, naman puwede ba hiwag natin pag usapan ang bagay na iyan please."

"Sa totoo lang Kiesha, ayoko ng ganitong patango tayong nagkikita alam mo ba ang gusto ko iyun pag naglalakad tayo sa kalsada na hawak-hawak ko ang kamay mo para maipakita ko sa mga tao kung gaano kita kamahal.At meron pang isa na gustong-gusto kong gawin."

"Ano?"may nakangiting aniya.

"Heto pakingan mo, Miss Kiesha Almeda, mahal na mahal kita. Wooooh!"sigaw niya.

"Larry!"saway niya.

"Ganun ang gusto kung gawin. Kiesha, sa harap ng maraming tao para malaman nila ang lalakeng ito ay lubos na nag mamahal saiyo. Pero sad to say na mga ibon at ang nakarinig sa sigaw ko."

"Larry, hindi paba sapat sayio na lagi naman tayong magkasama?"

"Kiesha, masaya ako pero kulang pa rin gaya nang sinabi ko gusto kung ipadama saiyo kung paano ako magmahal lalo na pag alam ng mga taong nakapalibot sa atin."

" Larry, natatakot kasi ako!"

"Ano ba ang kinakatakot mo Kiesha? Ang naalipustahin ako ng mga kaibigan mo ganun ba?"

Hindi naka sagot ang dalaga sa sinabi niya.

"Kiesha?"

"Oo, Larry. At ayoko rin na pag tawanan nila ako dahil kilala nila kung sino ako at kung ano ang gusto ko! Mahal na mahal kita Larry, kahit na ganito tayo masaya na ako kasi kasama kita."

"Kiesha, hindi habang buhay na ganito tayo paano kong yayain kitang pakasalan mo ako papayag ka ba?"

"Larry, huwag muna iyan ang pag-usap natin matagal pa naman manyayari iyan ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kasama kita ng ganito."

LOVE ME AGAIN (Book 2: Kailangan Kita)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon