Chapter 4

8K 129 5
                                    



PAGDATING NI LARRY, sa bahay sinalubong siya ni Aling Siony.

" Larry, saan kaba nag punta kanina kapa hinahanap ni Ben, may sasabihin daw siya saiyo."

"Diyan lang po sa may ilog ako nag punta Manang Siony, naligo na rin ako. At nakilala ko rin si Marco Almeda."

"Si sir Marco, Oo lagi siya diyan sa ilog pag mainit ang panahon laging naliligo."

"Mabait naman pala siya Manang Siony."

"Si sir Marco, iba ang ugali nun sala sa init sala sa lamig ba kung minsan bait din."

"Ganun po ba ang ugali niya Manang? Pero okay naman siya ah, ang hindi okay sa akin iyun kapatid niya super taray!"

"Ang nag iisang anak na babae ang sinasabi mo Larry naku talagang mataray iyun hindi lang mataray ang sama pa ng ugali, eh."

Nagsalubong ang kilay ni Larry sa rebelasyon ng Ginang.

"Sabi nga namin kanino ba siya nag mana samantalang ang bait naman ng magulang."

"Pero maganda siya Manang."

"Larry, aanhin mo naman ang maganda kung pangit ang ugali

"Baka naman po mabait din siya hindi lang ninyo nakikita, Manang."

"Siguro nga, teka nga Larry, tinamaan kaba sa kanya ha? Abay walang masama doon pareho naman kayo ng istado sa buhay, kaya makakapasa ka sa kanya!"

"Bakit po kung mahirap lang Manang, hindi ba papasa sa kanya?"

"Isang daan porsentox Larry. HINDI, kaya kung may gusto ka sa kanya ipakita mo ang totoo ikaw tiyak walang hahadlang."

Tatatango si Larry sa tinuran ni Aling Siony.

"Ah, Manang nasaan naba si Ben?"

" Naku baka andoon na naman sa nililigawan niya ang batang iyun, eh!"

"Hayaan mo muna Manang pag-uwi na lang niya itatanong ko kung ano iyun sasabihin niya sa akin."

"Oh, sige Larry, maiwan muna kita dito ha, mag hahanda na ako hapunan natin."

"Sige po Manang, maliligo naman ako."

HABANG nakahiga si Kiesha hindi mawala-wala sa isipan niya ang binata at napapangiti pa siya sa sarili.

"Ang ganda naman ng katawan niya parang alagang-alaga sa gym ang sarap sigurong yumakap sa dibdib niya?"

( Hoy Kiesha, ano ba iyan iniisip mo pinag papantasyahan mo ang lalakeng iyun)sigaw ng isang isip niya.

"Kahit naman sinong makakita ng ganun katawan talagang pag papantasyahan mo. At isa pa masarap din siyang humalik. Hmmm, matitikman ko kaya ulit ito? Kiesha, may gusto ka sa lalakeng iyun no?"tanong niya sa kanyang sarili.

"Hindi naman masama kung may gusto nga ako sa kanya guwapo rin naman siya at ang abs niya. Ahhh shit! Oh, Kiesha, please stop thinking that man!"

Gustuhin man matulog ni Kiesha hindi naman niya magawa dahil binubulabog siya ng lalakeng humalik sa kanya sinamahan pa ng kaniyang isip at puso.

KINAUMAGAHAN.

"Larry, handa kana?"isasama siya Ben sa talyer.

"Oo, handa na ako."

"Tara na para maabutan natin ang boss ko para makausap mo siya."

"Oh, aalis na kayo?"

"Opo, Nay."

"Nag almusal naba kayong dalawa?"

"Nay, doon na lang po baka mahuli kami ng dating, eh."

"Oh, sige."

LOVE ME AGAIN (Book 2: Kailangan Kita)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon