"BEN, wala yatang gaanong customer ngayon ah, naka ilang sasakyan lang tayo?""Talagang ganito dito Larry, minsan hindi kami mag kanda ugaga sa dami ng sasakyan pero kung minsan naman wala pa buti nga ngayon kahit papaano meron."
"Sabagay, ganyan din sa business sabi nga nila hindi araw-araw ay pasko."
"Ano Larry, hindi ba talaga natin tatapusin iyan kotse ni miss mataray kinakabahan ako, ah."
"Relax ka lang Ben, akong bahala."
"Pero ako ang kakawawa naman pag nag sumbong siya sa boss natin."
"Hindi siya mag sumbong ako nga bahala, eh."
"Eh, sa kinakabahan nga ako. Ano ba kasi iyan ang plano mo, ha?"
"Tignan mo na lang Ben, bakit kaya ang tagal ng babaeng iyun ang sabi niya before one hour andito na siya, ah?"
"Masyado ka naman excited na makita siya Larry, halika doon muna tayo sa kubo habang hinihintay natin siya. "
"Mabuti pa nga, Ben."
"Marunong kabang mag gitara, Larry?"
"Oo, naman iyan ang ginagawa namin ng kaibigan ko pagwala kaming ginagawa."
"Mabuti kung ganun."
"Teka may gitara ba rito?"
"Siyempre meron pag wala kaming gaanong trabaho dito kami tumatammbay nag kakantahan."
"Akin na ang gitara, Ben."
"Sandali lang kukunin ko, Larry."
"Sige, Ben."
Pumasok sa loob ng opisina si Ben pag balik may dala ng gitara.
"Oh, heto Larry, umpisahan mo na."
"Sige ano bang magandang kanta, Ben?"
"Eh, Sir. Ikaw kung ano ang gusto mo, iyun kaya mo ba?"
"Pssttt! Baka may makarinig saiyo sa pag tawag mo sa akin Sir, Ben, Larry na lang."
"Sorry, Larry. Nadudulas ang dila ko."
"Okay, basta huwag mo nang ulitin pa, ha!"
"Oo!"
"Ano ba ang magandang kanta? Ah, iyun palagi ko na lang kinakanta."
"Sige, Sir. Banat na."
Kaagad naman niyang inaayos ang gitara sa kakantahin.
Sa labas ng talyer!"Salamat, Lisa. Sa paghatid mo sa akin dito!"
"Your welcome, Kiesha. Basta ikaw no problem sige mauna na ako saiyo may pupuntahan pa kasi ako bye."
"Bye, Lisa. Thanks again,"kumaway na lamang sa kanya ang kaibigan at agad na itong umalis.
Pag pasok ni Kiesha sa loob siyang taong nakita."Saan ba sila tao po?"tawag niya pero walang sumasagot.
"Nakakainis naman oh where's all this people at saaan naba ang lalakeng iyun?"
Palakad-lakad siya sa loob hanggang na pa dako siya sa kinaroroonan nila Larry.
Sisigawan sana niya ito ng makita niyang tinitipa niya ang hawak na gitara.
"Oh, nasa tono na, Larry?"
"Yup ehhm!"
Dont give up on us baby don't make the wrong seen right the future isn't just one night it's written in the moonlight painted on stars we can't change ours.
BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN (Book 2: Kailangan Kita)
RomansaLOVE ME AGAIN ( KAILANGAN KITA BOOK 2) Written by: Ginalyn A. SYNOPSIS: DAHIL sa kabiguan sa pag-ibig ninais lumayo ni LARRY, para makalimot napadpad sa isang malayong lugar ang bayan nang Almeda. Namuhay ng simple. KIESHA ALMEDA, isang babaeng nasa...