Natutunan ko na hindi pala lahat ng nakapaligid sayo ay totoo.Hindi lahat ng kasama mo ay kakilala mo.
Madalas kung sino pa yung nakakasalubong mo sa daan na hindi mo aakalaing may parte pala sa buhay mo ay sya talaga yung parte ng buhay mo na hindi mo na maalala at Nakamasid nalang sayo mula sa malayo.
Yung tipong hindi mo iisipin na kilala mo pala yung taong yun o di kaya kilala ka pala nya higit pa sa mga taong nakapaligid sayo.
Yung alam mo sa sarili mong may kulang pero hindi mo alam kung sino o ano.May hinahanap hanap ka pero hindi mo alam kung saan mong parte mo sisimulan hanapin kung anong nawala sayo dahil hindi mo alam kung ano ba talaga yon.
At yung pakiramdam na sinisisi mo yung sarili mo kung bakit wala kang maalala na nawala sayo.
-----------------
P-pano?! B-Bakit nangyari to?! A-ano bang ginawa ko sa inyo?!BAKIT NYO KO GINAGANITO!?Hindi ako makapaniwala na kaya nilang magsinungaling sakin ng ilang taon!
Lumabas ako ng bahay namin.Narinig kong tinatawag nila ang pangalan ko pero hindi ko na sila pinakinggan masyado akong nabigla.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos kong malaman ang lahat ng ito!
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasalubong ko siya.Nakatingin sya sakin ng diretso pero mahahalata mo sa kanyang mukha ang pag aalala.
Dapat pa rin ba kong maniwala sa mga simpleng bagay na pinapakita nya?Baka kasama nanaman ito sa mga kasinungalingan nya?nila?
------------