Naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep habang iniisip ko parin yung mga lalaking gwapo na nakakasalubong ko netong mga nakakaraang araw , nagtataka kasi talaga ako kung bakit ganon?kung bakit nilalapitan nila ko?Baka mamaya may utang pala ako sakanila tapos nakalimutan ko lang at hindi ko nabayaran! Tama!baka yun lang!
"Pero hindi naman sila yung tipo ng tao na mukhang maniningil lang ng utang?" Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad.
"Miss"
Bakit naman kaya sila nagpaparamdam sakin?
"Miss"
OMAYGHAD!?BAKA NAMAN MULTO SILA?!TAPOS NAKIKITA KO SILA KASI MAY HINDI PA SILA NATAPOS NA GAWAIN NA DAPAT NILA TAPUSIN TAPOS SAKIN NILA IPAPAGAWA PARA MATAPOS NA?!AT AKO LANG ANG MAKAKAGAWANG MAKATAPOS NUN PARA SA KANILA?!
"MISS?!"
"AY PALAKA!" Nagulat ako dun sa lalaking tumatawag sakin dahil rin siguro sa masyadong pag iisip.
Paglingon ko s nakita ko yung dalawang lalaki na nakashades na mga nakaitim.Hindi ko alam kung may lamay ba o ano eh.
Pero nakakainis ah!Medyo kinakabahan na ko.
"B-Bakit?!"Tinarayan ko sila kahit kabang kaba na ko,pag kinakabahan kasi ako nagkakaroon ako ng lakas para magtaray kahit ayaw ko e.Parang dun lumalabas yung kaba ko.
"Kanina ka pa namin tinatawag pero hindi ka lumilingon."
So?!Anong pake nyo?!
"Pre ang sungit naman netong nerd nato hindi naman kagandahan". Bulong nung lalaki sa isa pang lalaki na kasama nya.
Grabe naman to si kuya makapanglait wagas!Sila nga tong parang baliw na naka shades pa,wala namang araw!hmp!
Naglakad nalang ako at iniwan sila pero tinatawag nanaman nila ako.
"Miss!ATE?!. Hinahabol parin nila ako kaya mas lalo ko pang binilisan yung paglakad ko.
Maka ate naman parang ang tanda tanda ko na! naloloka na nga ko dito dahil sa kaba!
MISS?!naiinis ka ba?
Oo naiinis ako!sagot ko sakanila.
Bakit naman?
Basta!
Kausapin mo naman kami!
Ayoko nga.
Kausapin mo na kasi kami.
Sabing ayoko ng diba?!
Pero bakit?
Tungeks lang kuya?!pano ko kayo kakausapin kung hindi ko kayo kilala?alam nyo naman siguro yung katagang "Don't talk to strangers diba?!"
Hindi namin alam yun miss ang alam lang namin yung "Don't talk when your mouth is full"Pero magpapakilala na don kami.
Ako nga pala si blue.Sabi nung lalaki na isa at naglahad ng kamay sakin.
Ako naman si yellow.Sabi din nung isa tinignan ko lang yung kamay nila kasi natatakot parin ako sakanila.
Ako nga pala si-
Kilala ka nanamin.sabi nila sakin nung sasabihin ko na pangalan ko.
T-Teka pano nyo ko nakilala?
A-Anong kailangan nyo sakin?Bakit nyo ko tinatawag?Mas lalong nagseryoso yung mukha nila kaya mas natakot na ko.
Basta sumama ka nalang samin.
Bakit naman ako sasama sainyo?Tanong ko sakanila.
Ipasok na sya sa kotse sabi nung lalaking pangalan ay blue.
May tinakip na panyo sa ilong ko at nakita ko nalang ay may kotseng huminto sa tapat namin at pinasok nila ko dun.