Solanch's POV
Nakaupo ako sa gilid ng corridor pinagmamasdan ang mga naglalakad na estudyante.
Tinitignan kung anong meron sa pagkatao nila.Sabihan nyo na kong tsismosa pero kahit ayaw ko namang makita, nakikita ko parin.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung nagumpisa ang pasukan pero wala parin akong kaibigan.
Iniiwasan nila ako dahil natatakot daw sila saakin.
Habang pinagmamasdan ang bawat taong dumadaan biglang tumunog ang bell kaya pumunta na ko sa susunod na klase.
May kanya kanyang ginagawa ang mga kaklase ko ng biglang pumasok ang teacher namin.
Ok!students!Meron kayong bagong kaklase.
Pumasok ang isang lalaki na naka black na pants ,black na vneck shirt, Naka eyeglasses, at may dalang libro.Mukha syang nerd pero ang cool nyang tignan.Pag bagong estudyante kasi pwedeng hindi muna mag uniform.
"Hi! I'm Rk Enriquez."Ngiting ngiti syang nagpakilala sa lahat pero sakin sya nakatingin.
"Uhm....Rk pwede kang umu- "hindi pa tapos mag salita ang teacher namin pero dere- deretso sya sa upuan sa gilid ko."A-ah sige dyan ka nalang.."dugtong ng teacher namin dahil sa ginawa ni rk.
Tinitignan ko lang sya.
Pero wala akong nakitang kahit ano sa pagkatao nya.Nagulat ako ng bigla syang humarap sakin at ngumiti."Hello!Ako nga pala si rk."
Naglahad sya ng kamay sakin agad ko naman itong inabot.
H-hi R-rk.Tipid ko syang nginitian.
"Anong pangalan mo?"
"Solanch Crisostomo."
Ikaw nga.
May sinabi sya pero hindi ko nadinig.
"A-ano yun?"tanong ko sakanya.
"Wala hehe ".sabay kamot nya sa batok.
Sa lahat ng taong nakita ko sa school sya lang ang hindi ko malaman kung anong meron sakanya.Sya lang ang hindi ko makilala.
Uwian na at nagliligpit na ko ng gamit ko.Nginitian ako ni rk kaya nginitian ko din sya.Kahit weird ako hindi naman ako snob.
Lumabas na sya ng room.
Sinundan ko sya sa Library.Dahil gusto kong malaman kung anong meron sakanya at kung bakit hindi ko makita ang kanyang nararamdaman o kahit ugali manlang ay hindi ko din makita.
Sino ba sya?Bakit hindi ko makita kung anong meron sya?
Ang pagkakaalam ko ay hindi ko lang nakikita ang meron sa isang tao kapag may kaugnayan sakin ang taong yun o di kaya ay kapamilya ko.
Kaano -ano ko kaya sya?anong kaugnayan nya sa pagkatao ko?
Simula ng makita ko sya kung ano anong tanong na ang pumapasok at bumabagabag sa isipan ko.
Kahit anong gawin kong pagtingin at titig sakanya hindi ko malaman kung anong meron sya kahit ultimo ang nararamdaman at ugali nya ay hindi ko makita.
Oo .MAKITA.Makita ang tamang salita para sakin dahil nakikita ko ang mga nararamdaman,ugali,karanasan ng isang tao.Lalo na kung titigan ko pa sila ng mabuti.Sa isang tingin ko lang nalalaman ko na ang lahat.
Lahat lahat.
Nung bata pa ko akala ko malakas lang ang pakiramdan ko kaya ko nalalaman ang kanilang nararamdaman at ugali dahil sa kanilang expression ng kanilang mukha.
Hindi ko alam kung saan nagmula o kung saan ko nakuha ang ganitong pakiramdam.Pero ang sabi ng mga magulang ko ay nabangga daw ako ng isang kotse nung bata pa ko.
At pagising biglang
Sumakit ang ulo ko at mas lalong lumakas ang pakiramdam ko......Hanggang sa nakikita ko na ang kanilang mga karanasan kahit sa unang tingin palang.
At sisiguraduhin kong aalamin ko kung anong meron sakanya .......
------------