Mysterious [3]

5 0 0
                                    

Gumising ako ng maaga Para maligo at magbihis na para sa pag pasok sa school at para mapaghandaan ng pagkain si mommy at daddy.May Dalawang kasambahay naman kami dito sa bahay pero gusto ko kasi na ako ang nagluluto sa umaga para sabay sabay kaming kumain.

Tuwing umaga lang kasi kami nagkakasabay sabay.

Pag gabi kasi minsan late na nagsasarado ang botique shop ni mommy kaya late nadin sya umuuwi tapos si daddy naman laging may inaayos na papeles ng mga bagong lipat na estudyante.

Kaya hindi kami nagkakasabay sabay sa dinner.

Nilagyan ko na nang plato ang lamesa para deretso na pagkaluto ko ng pagkain.

Matatapos ko nang lutuin yung ulam nang bumaba na si mommy na nakabihis na.Ready to work na kumbaga.

Si daddy naman ay kasunod lang ni mommy sa pagbaba.

Goodmorning baby! Sabi ni mommy at saka ako hinalikan sa pisngi.

Goodmorning iha! Sabi naman ni dad.At umupo na sya sa upuan na katapat ng lamesa para kumain.

Goodmorning din mom and dad! Tugon ko sa kanilang pagbati.

Nilagay ko na ang fried eggs at bacons sa lamesa at Binuksan ko ang takip ng sinangag na kanin na nauna kong niluto.

At Pinagtimpla ko din sila ng kape .Hilig kasi nilang uminom ng kape sa umaga para daw hindi sila antukin sa trabaho.

Ang sweet sweet talaga ng baby ko! Sabi ni mommy sabay tingin ng nakangiti sakin.

Ngumiti nalang ako sakanya.

Buti nalang Satin bini- Ehem!

Nakita kong siniko ni mom si dad kahit hindi pa tapos magsalita kaya bigla syang napaubo.

Nagtaka naman ako sa inasal ni mom kung bakit nya siniko si dad.

Napansin siguro ni mom na nagtataka ako sakanila ni dad.

Kain ka na iha at baka malate ka pa sa pagpasok! Sabay Pilit na ngiti sakin ni mom.

Ang weird nila ngayong araw.

Tinignan ko ang relo ko alas otso na pala kaya nagpaalam na kong umalis para pumasok.

Pag pasok ko sa gate ng school usap usapan na pupunta dapat dito ang ang may ari ng school kaso hindi na tuloy.

Hindi ko alam kung bakit hindi natuloy ang pag punta nung may ari dito at saka hindi ko pa sya nakikita dahil kakatransfer ko lang dito nung nakaraang taon.

Nung nagtransfer kasi ako dito nasa ibang bansa daw ang may ari kaya hindi nagagawi dito.

Kahit nga pangalan ng school namin hindi ko alam kung saan nakuha dahil ang pangalan ng school is hcnalos High school.

Pero wala pang nakakapagsabi sakin kung anong ibigsabihin nun.

Dahil bawal daw ipagkalat ang totoong meaning ng pangalan ng school nato.

Meron na daw nagsabi ng ibig sabihin ng pangalan netong school pero tinanggal daw dito sa school Kahit mayaman sila.

Kaya wala nang umulit nung ginawa nung estudyanteng yun.Dati naman daw ok lang kahit sabihin yung meaning nung pangalan nun pero simula daw nung lumipat yung anak ng may ari dito hindi na daw pwede.

Walang nakaka alam kung sino talaga yung anak ng may ari ng school na to.

Papunta na sana ako sa room ng may narinig akong kaluskos.

Pagtingin ko wala namang tao pero may narinig talaga akong kaluskos naka silip ako dito sa isang pinto dahil parang dito ko narinig yung kaluskos pero wala parin akong nakita kahit na anong bagay.

Wahhhhhhhhhhhhhhhh!
B-bakit ka nandyan?H-hindi naman kita nakita kanina nung padaan palang ako ah!sabi ko sakanya.

Ah! Yun ba? Nakasunod kasi ako sayo kanina.Hindi mo ba naramdaman?

Sabagay Pano mo pala ko makikita kung nagtago ako?At pano mo ko mararamdaman kung manhid ka? Bulong nya pero hindi ko gaano narinig.

Huh?Bakit mo naman ako sinusundan? Rk? Hindi ko sigurado kung si Rk nga ba tong kausap ko hindi ko kasi makita mukha nya e.

HAHAHAHAHAHAHA!
kinakausap mo ko pero hindi mo pa pala ko kilala

Bigla syang tumawa kaya nagtaka ako.

Wala!hahahaha.Sabi nya baka naramdaman din nyang naiilang ako sa mga pinapakita at itsura nya ngayon.

San ka ba pupunta?tanong nya.

Ay!shet! Nakalimutan ko late na nga pala ko!Tatakbo na sana ko kaso hinawakan ni mr.Hindi ko alam kung sino yung braso ko.

A-ah. A-Ano L-late na kasi ako pupunta na ko sa room ko. Sabi ko sakanya.

Hatid na kita.Sabi nya

Hahatid mo ko sa room ko na may ganyan sa mukha? .tanong ko sakanya Sabay turo ko sa kahon .

Meron kasi syang kahon na nakatakip sa mukha kulay white na kahon na itsurang marshmallows.Natakam tuloy ako favorite ko pa naman yun.

Dahan dahan nyang tinanggal yung kahon .

Nakatingin lang ako sakanya .Nagulat ako sa itsura nya.

Hey! Ok ka lang ba?

A-Ah ano Oo. ok lang ako.

Ihahatid na kita.Kala ko ba malalate ka na?

Dahil sa sinabi nya ako na ang humatak sa kanya para hindi na nya ko hatakin pag tumakbo ako papunta sa room.

Nandito na ko sa tapat ng room.Binitawan ko na din yung kamay nya pero nasa likod ko lang sya at hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa hingal .

Salamat nga pa- Pagharap ko sakanya wala na sya.

Teka! Sino nga pala yung lalaking yun?Hindi ko na napansin na hindi ko sya kilala dahil sa pagmamadali ko.

Kaya lang naman ako natutula sakanya kanina dahiiiiiiiiiiiiiiiiiil ANG GWAPO NYA (^O^)

at saka ang pinagtataka ko kamukha nya yung Isa pang gwapong lalaki sa jeep yung nasa tabi ng driver!yung lalaking hindi ko na nadescribe na nakatingin sakin hindi ko na sya nadescribe dahil nagmamadali na din akong bumaba kasi nasa kanto na ko ng bahay.

Bakit sa tuwing makakakita ako ng gwapo lagi naman akong nagmamadali?

*********

May nagbabasa ba?Meron ba?meron ba huh? Wala?edi wala-_-

Mysterious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon