Solanch's POVNakatago ako sa likod ng mga estante na pinaglalagyan ng mga libro,Nakatingin lang ako sa kung ano anong pinagagagawa nya.
Parang baliw nga sya e.Kukuha sya ng libro bubuklatin lang nya saglit tapos ibabalik ulit nya ....tapos lakad ulit kukuha nanaman ng libro bubuklatin nya tapos lakad ulit.Puro ganon lang ang ginagawa nya.
Hindi naman talaga nya binabasa parang buklat lang sya ng buklat.
Pero habang ginagawa nya yun nakangiti sya.Tinititigan ko lang sya hanggang sa mahagip nya ako ng mata nya kaya bigla akong nagtago.
"Lord. sana po hindi nya ko nakita".dasal ko sa isip ko.
Sinilip ko ulit sya sa pagitan ng mga libro sinisugurado ko kung nakatingin ba sya.
Pagsilip ko wala na sya umalis na ata.
"Umalis na ata sya". Umayos na ko ng tayo hindi na ko sumilip sa mga libro maglalakad na sana ko pero pagharap ko maylalaking nang nakatayo.
" Solanch?May kailangan ka ba sakin?".Nakangiti sya sakin habang nagsasalita (Imagine nyo nalang kung pano mag salita habang nakangiti)
"U-uhm...W-wala ah". God!sabi ko na nga ba nakita nya ko!Hindi kasi nagiingat e.Ang shunga ko shet!
" Ah...e sino yung sinisilip mo jan?May hinihintay ka ba?". Dumungaw dungaw pa sya sa likudan ko na parang may hinahanap.
"W-wala naman.May hinahanap lang akong libro." Lumingon ulit ako sa mga libro para kunware may hinahanap.
"Gusto mo bang tulungan na kita?"
"Hindi na.Bukas ko nalang hahanapin". At pano ko naman kasi makikita yun kung wala naman talaga kong hinahanap?sabi ko sa isip ko.
" E ikaw anong ginagawa mo dito?"tanong ko sakanya.
"Inutusan kasi ako ng teacher natin sa history na hanapin ko daw yung libro na gagamitin nya". Sagot nya.
" Ah ganon ba?Sige.Uuwi na ko baka hinahanap na ko samin."sabi ko sakanya.
"Hatid na kita".
" Hindi na .Kaya ko namang umuwi ng mag isa".
"Sige...Ingat ka nalang".
Dali dali akong umalis sa library baka kasi magpumilit na ihatid ako nung lalaki na yun.
Alis na nga ko baka umuwi na yun.Baka natakot sakin kasi iniistalk ko sya.Baka hindi na sya lumapit sakin bukas at ma weirdo(han) na din sya sakin.
...................
Sumakay na ako ng jeep.Walo lang kami na nakasakay sa jeep. May isang matandang babae na kasama yung apo nyang lalaki na kasing edad ko lang.
Pano ko nalaman na kasing edad ko lang sya?syempre nga diba nakikita ko nga ang lahat ng info sa isang tao pa tinitignan ko lang sila.
Nakita ko dun sa matandang babae na wala na syang asawa namatay yung asawa nya dahil sa sakit 75 yrs old na yung matandang babae.
Dun naman sa kabilang upuan may mag boyfriend girlfriend tinignan ko muna yung babae mas bata sya sakin ng isang taon.Ang pangalan nya ay myka .May binubulong yung boyfriend nya sakanya masyado namang nagpapahalata si ate na kinikilig sya sa kalandian ng boyfriend nya.
Nakita ko sa lalaki na may isa pa pala syang girlfriend!Aba!Si koya masyadong malandi! Daig pa girlfriend nya!Pangalan nya ay joshua!Kawawa naman si ate ganda pa naman nya,Hindi nya alam niloloko na sya ng hinayupak na lalaking to!
Tinignan ko naman yung nasa harap yung katabi ng upuan ng driver.
May lalaki na nakaupo sa harap ng driver 43 yrs old na yung lalaki.
Kanina ko pa napapansin na Nakatingin sya sakin pero binalewala ko nalang kasi malapit na ko sa kanto ng bahay namin."Dito nalang po ako".
Bumaba na ko.Lalakadin ko nalang hanggang bahay dalhil malapit lang naman at saka may ilaw naman sa dadaanan ko.
Pagdating ko sa bahay nadatnan ko yung pusa namin sa sofa.Niregalo sakin ng mommy ko yung pusa nung nagbirthday ako.
Hindi kami sobrang yaman pero hindi rin kami sobrang hirap.Owner lang si mommy ng botique shop At si daddy naman principal sya sa school na pinapasukan ko.Meron kaming kotse pero hindi ko ginagamit yun dahil ayoko magkaroon ng kaibigan dahil sa mga bagay na meron ako.
Dalawang linggo na simula nung nag umpisa yung klase pero wala parin akong kaibigan pero parang magkakaroon na din sana.
-------------