Mysterious [5]

4 0 0
                                    

Natapos ang klase ng wala akong natututunan dahil iniisip ko kung sino ba yung lalaking naghatid sakin.

  Nagtaka pa ko dahil wala din akong makita na kahit ano dun sa lalaki.

Hindi kaya nawawala na yung malakas kong pakiramdam?Hindi ko na ba nakikita yung pagkatao ng isang tao? O iniisip ko lang talagang nakikita ko ang mga pagkatao nila kahit hindi naman talaga?

Una si Rk tapos sumunod naman yung lalaki  na naghatid sakin,Na Kahit kailan hindi naging pamilyar yung itsura nila sakin.

Siguro kaya hindi ko makita yung pagkatao nila dahil hindi ko naman talaga sila kilala? At baka nasa isip ko lang talaga na Nakikita kung sino sila.

Sana nasa isip ko nalang talaga yun.Sana hindi na.Sana nga.

Tinanong ko yung sarili ko kung bakit hinayaan kong ihatid ako nung lalaki kahit hindi ko sya kilala? Pero kahit sarili ko hindi alam kung bakit nga ba. Hindi ko pa sya nakita kahit kailan at nasisigurado ko din na hindi ko sya kilala,Pero ang gaan na ng loob ko sakanya .

Naalala ko  yung mga mata nyang nawawala pag tumawa sya, dahilan nun ang lalong pagsingkit ng mata nya.Kahit sandaling oras ko palang syang nakita nasaulo ko parin ang itsura nya.

Hindi pumasok si Rk kaya Wala akong kausap kanina sa classroom.Maaga din natapos yung klase kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Naglakad lakad lang ako sa corridor hanggang sa mapadpad ako sa library naisip ko pumasok muna at magbasa.

Nagbabasa ako ng libro ng may tumabi sakin.Pero nakatuon parin yung mga mata ko sa libro Hindi ko sya  tinignan hinayaan ko lang syang maupo don pero nagulat ako ng nagsalita sya

"Hi" Napansin ko na medyo malambot sya  magsalita.

Hindi ko parin  sya tinignan baka hindi naman ako yung kinakausap nya baka mamaya mapahiya pa ko.

"Pst!uy!"Tawag parin nya.

Nilibot ko yung mata ko sa library kung may ibang taong malapit samin pero wala.

Tinignan ko sya na  parang walalang.

"Ako ba yung kinakausap mo?"Tanong ko sakanya sabay turo sa sarili ko.

"Ay! Jusko ka teh! Ikaw lang naman yung nasa harap ko diba?unless may nakikita ka na hindi ko nakikita?"Pagtataray nya sakin na may kasama pang pag taas ng kilay.

"Sorry pero kilala ba kita?Tanong ko sakanya.

Medyo nagulat pa ko kaso kinusap nanaman ako ng hindi ko kilalang tao at take note!Gwapo pa.

Kadalasan lang kasi ng lumalapit sakin is yung mga taong nerd or yung mga binubully sila lang yung may lakas loob na lumapit sakin.Siguro na isip nila na bakit sila hindi lalapit sakin?E pare parehas lang namna kaming nilalayuan ng mga estudyante kasi nga daw "WEIRD" kami.

Iispin ko sigurong pinagtitripan ako neto kasi kadalasan sa school na to pag gwapo at maganda ka ok lang na mangtrip na ng mga estudyanteng kagaya ko na hindi pala imik at walang kasama.

Halatang hindi nya inaasahan yung tinanong ko sakanya dahil bakas sa mukha nya ang pagkagulat.

"Omayghad!Hindi mo naaalala yung beauty ko?Sabay Irap nya sakin.

Nakumpirma ko lang na hindi sya nangtitrip nung narinig ko syang magsalita ng masmalinaw at nung napansin ko kung pano sya magsalita at kumilos.

Mas may beauty nga talaga sya sakin.

"By the way high way.Ako nga pala si patrick Salmiedo, You can call me patricia."Sabay lahad ng kamay nya sakin.

"I'm solanch."Inabot ko yung kamay nya.

"Sorry pero hindi talaga kita maalala kung saan kita nakita e."Sabi ko sa kanya na may nagtatakang itsura.

Medyo hindi na ko na iilang na kausapin sya.Mukha naman syang mabait na mataray?I guess.

"Hmp! Magtatampo sana ko sayo kasi hindi mo ko maalala kaso naisip ko nakakatamad kaya bukas nalang." Parang hindi sya natatakot na masita kami ng librarian dito bigla ba  naman kasing tumawa ng malakas.

"Ako yung nakabanggaan mo noong nakaraang araw hindi mo maalala?

"Sorry pero Hindi ko talaga maalala." Inisip kong mabuti kung nakita ko na ba talaga sya o hindi,pamilyar lang sakin yung itsura nya pero wala akong matandaan na may nakabanggaan ako nung nakaraang araw.

"Wag mo nalang alahanin nakaraan na yun.Past is past"Sabi nya

Medyo na guguluhan na kong kausap to si patrick este patricia.Hindi ko alam kung interesado ba syang kausap ako o hindi kasi kung ano ano lang sinasabi nya.

■●■●■●■●■●

BAGO AKO UMUWI. Pumunta  muna ko sa NBS para bumili ng sketch pad gusto kong idrawing lahat ng mukha ng taong nakita ko  na nagpapagulo sa isip ko ngayon.

Sa mga  taong yun walang pamilyar sakin ang mukha pero yung pangalan nila parang narinig ko na.

Ang napansin ko pa na yung buhok nila lahat may kulay kaso iba iba ngalang.

Pero baka sadyang uso lang ang pagpapakulay ng buhok kaya lahat sila may kulay.

Hindi ko alam kung bakit hindi sila kasama sa mga taong ayaw lumapit sakin.

At saka nagtataka ako dahil sa ilang buwan ko ng pagiging transferee dito ngayon ko lang talaga sila nakita or nakasalubong.Nakasalubong ko pa sila sa mga hindi ko inaasahang araw katulad ng nagmamadali ako papasok sa school or nasa library ako tapos sinabi nya biglang nakabanggaan ko sya kahit hindi naman.

Hanggang ngayon madami parin talaga ang hindi ko alam at madami parin ang mga tanong sa isipan ko na hindi ko alam kung kailan ko makukuha at malalaman ang tamang sagot.

Sinimulan kong iguhit ang itsura nung lalaking naghatid sakin grey yung kulang buhok nya,Matangos ang ilong,May katamtamang pula ng labi,at medyo may kaputian.

........

Mysterious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon