Surprise

7.7K 198 22
                                    

/'Life is full of surprises. Not all this are pleasant, so you need to be prepared for what life brings you.'
-Anonymous/

Glaiza
Kinakabahan ako habang hinihipan ni Tita ang sabaw na pinapatikman ko sa kanya. Napasubo akong magluto ng sinigang dahil pinagyabang ni Rhian sa Mama niya na nagtake ako ng short course sa Commercial Cooking. Totoo naman pero wala talaga akong matinong natutunan.
Maaga akong nagising para mamili ng sangkap. Muntik pa kaming magkatampuhan ng girlfriend ko dahil gusto niya mamili kami sa palengke, hindi sa nag-iinarte pero hindi ako fan ng palengke, given na mura pero ang amoy na kakapit sa damit ko pagkatapos ang hindi ko kayang i-get over.
Sa huli, pumayag din si Rhian na sa mall kami mamili, pero may condition siya, imbes na 5 days lang ang ilalagi ko sa kanila ay magiging 7 days na. Its fine with me since sa pasokan pa siya babalik ng Manila which means 3 whole weeks kaming hindi magkikita.
Tita swallowed the soup na almost 2 minutes niyang hinipan.
Sobra ang kaba ko ng medyo umarko ang kilay niya. Nilasap niya pa ang dila niya na tila ninanamnam ng mabuti ang lasa.

"How was it Ma?"

Nakasandal sa fridge si Rhian na kanina pa ako tinutukso sa pagkapraning ko daw. Ako naman ay nasa sulok lang at nagdadasal na sana ay magustuhan ng future mother-in-law ko.

"Gumamit ka ba ng seasoning's Hija?"

Natural ang tono ni Tita kaya di ko matantsa anong sagot ang babagay sa tanong niya.

"Ano po..uhm..hindi po Tita, basic condiments lang po, asin at paminta lang po."

Tumango siya at nilapag ang kutsara sa mesa, lumakad ito palabas ng kusina.

"Saan ka Ma? Ano kamusta lasa? Nagustuhan mo ba?"

Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Iinom akong gamot para sa diabetes ko, mapaparami kasi kain ko ng kanin sa sarap ng ng luto mo Hija."

Pumapalakpak ang puso ko sa tuwa. Rhian wink at me. Lumabas na ng tuloyan si Tita at pasimple akong siniko ng girlfriend kong mas lalong gumaganda kahit walang make up.

"Naks, pogi points si De Castro ah."

Hinubad ko ang apron at niyakap siya mula sa likod.

"Maliit na bagay."

-----------------------------------
Rhian
"Taon na ba kayo ni Glaiza, Denise?"

I almost choke on my apple juice, nasa flower shop kami ngayon, hindi pumasok ang dalawang helper kaya nagdecide kami ni Glai na tumulong. Umalis sila ni Aldin, nagdeliver ng order's para sa isang kasal.

"Anong tanong mo Ma?"

Nagbusy-busyhan ako, i did not expect to have this conversation this early. Mama rub my back, the gesture is comforting.

"I was not born yesterday Rhian Denise."

Busted!
Sabi ko na nga ba at mangangati ang dila ni bunsoy. Naku, lagot sa akin yun.

"Kokonyatan ko talaga tong kadaldalan ni Aldin."

"No Hija, hindi nagsabi si Aldin. Come on Denise, yang mga tinginan niyo. Ganyan din ang tinginan namin dati ng Papa mo dati."

Medyo kinikilig pa sa pagkwento si Mama.

"Eeewww Ma, ano ba yan."

Marahan niyang hinampas ang braso ko.
Ito ang na-miss kong bonding namin ni Mama, para lang kaming magkapatid.

"Ikaw, inaaliw mo lang ako, ano nga, taon na ba kayo? In fairness, Glaiza is a good catch, magalang and as i can see that she's smart."

My face glow in happiness, she likes her. My mother like my girlfriend. Oh yes!

Incognito YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon